SONA2015 President Benigno S. Aquino III

STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) ay isang pagkakataon para sa Pangulo ng Bansa para maglahad ng kanyang accomplishment at/o nagawa sa mamamayan at ang sitwasyon ng Bayan sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Ngayon #SONA2016 ano ang inabot na kalagayan ng Bansa at mamamayan sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Binigno S. Aquino III?

At kung ikaw ang mag-uulat sa Bayan, ANO ANG STATE OF THE NATION?


SONA2015- ULAT NG PANGULO SA BAYAN

#LASTFORPNOY #SONA2015, Rarampa na naman sa Kongreso ang mga modelo ng magagarang kasuotan. Iba-ibang kulay na nababagay sa kanilang pangangatawan. Tatakpan ng magagarang damit ang tunay na pagkatao ng mga Politiko, para hindi mapansin na sila ay magnanakaw sa kaban ng Bayan.

Mapupuno ng magagarang sasakyan ang compound ng Kongreso… La-landing ang Presidential Chopper at baba sa chopper na ito ang number 1 sinungaling sa buong Pilipinas.

Magbabasa ng mga estatistika, maglalahad ng magandang accomplishment. Accomplishment na mahihilo ang taong bayan kung hahanapin ang kanyang mga sasabihin. Mahihilo dahil walang katotohanan ang lahat ng kanyang sasabihin.

Sa bawat parapo ng talumpati ay tatayo at papalakpak ang kapwa politiko na nasa loob ng Kongreso.

Mahinhin at hindi mapapansin ang mga besitang higit na nakinabang sa pamahalaan. Ang mga Kapitalista/Negosyanteng nagkamal ng malaking tubo sa proteksyon ng Gobyerno.

Ang mga manonood sa TV ay nagpupuyos ang kalooban, dahil alam nila sila ay binobola lamang ng nagsasalita.

Merong walang pakialam, dahil balot na sila ng kawalan ng pag-asa. Meron naman… magma-martsa sa lansangan at isisigaw ang kanilang saloobin. Pagminalas-malas pa batota at tubig ang kanilang mapapala.

Sa kabilang banda, may pangkaraniwang mamamayan ang nakangisi at natutuwa. Dahil sila ay naanggihan ng katiting na biyaya.

Huling SONA ng Pangulong Pnoy, pero hindi ito ang huling pagsisinungaling ng mga mamumuno sa banya.

Dapat makita na ng nakadilat na mga mata ng mamamayan. Makita at malaman kung sila ay niloloko at binobola na lamang.

Isang malaking pangbobola at nagpabola naman ang mamamayan sa linyang “tuwid na daan”. Naniwala tayo at humanga ng bitawan ng pangulo ang katagang “walang wang-wang, walang counter-flow”.

“Walang wang-wang, walang counter-flow” trabaho ng pulis at likas naman bawal, ipinangako ng Pangulo ng Bansa at tayo naman ay naniwala. Kailan kaya tayo matutoto, kailan tayo hindi magpapa-uto. Gising dilat na mga mata… huwag magpaniwala sa mapangbolang kataga dahil tayo ang kawawa. ###


Ilang araw bago ang SONA ng Pangulo ngayong 2015

Ang tunay na sitwasyon ng pangkaraniwang Pilipino

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s