Halalan pang-Barangay 2018

May 14, 2018 halalang pang-barangay April 19, 2018 ang huling araw sa filing ng certificate of candidacy (CoC). April 18, 2018 ako nagsumite ng CoC para maging opisyal na kalahok sa halalan. kasama ang anim (6) na pawang independent para sa Sangguniang Barangay (Kagawad) at May 4 ang opisyal na simula ng kampanya. 

Ang layon sa paglahok ay maisiwalat sa pamayanan ang aking matagal nang adbokasya ‘laban sa korapsyon’ at pagtotol sa pagiging ‘trapo’.

Sabi ng isang kakilala…

11

Bunos na lamang kung mananalo…:

22

 

 

 

 

30716680_1639659059415377_135466069491338359_n

Mga Sangkap para matukoy ang vote buying:

Sinumang tao ay sangkot sa vote-buying, kung;

  1. nagbibigay, nag-aalok o nangangako ng pera o anumang bagay na may halaga;
  2. nagbibigay o nangangako ng anumang tanggapan o trabaho, franchise o grant, pampubliko o pribado;
  3. gumagawa o nag-aalok upang gumawa ng isang paggastos, direkta o hindi direkta;
  4. mga paggastos sa sinumang tao, asosasyon, korporasyon, entidad, o komunidad;

Huwag na nating sabihin na vote buying, dahil masakit at masamang pakinggan. Ito ang iba-ibang pamamaraan.

Ang normal na pamamaraan, magpapakilala, kakamay sa mga botante, iikot sa pamayanan, paghahain ng plataporma, pagpapaliwanag, at mga caucuses. 

Pamamahagi ng babasahin para ipaunawa sa mga botante ang kanilang plano at programa kung sakaling sila ang makakuha ng basbas sa mayoryang bilang ng mamamayan.

Kung lampas sa normal at/o pangkaraniwan at/o lampas sa takda ng batas dito na lumalabas ang iba-ibang abilidad (pagmamalabis na abilidad)

  1. Labis na bilang ang kasama sa House to house campaign entourage Ang pag-ikot ng kandidato sa komunidad ay normal lamang na may kasamang mga tao. Subali’t kung labis-labis ang mga kasama at paparami ng paparami, habang papalapit ang halalan. Dumadami ang ginagastosan ng kandidato na lampas sa normal na bilang.
  2. Pagbubuo ng mga campaign team na higit sa pangkaraniwan– machinery Bukod sa mga kasama ay marami at labis-labis ang mga team na gumagalaw ng hiwalay sa lakad ng kandidato. Taga kabit ng tarpaulin, tagapamahagi ng mga flyers. Na binabayaran binabayaran, maliban sa pamasahe, merienda, tanghalian at kung ano-ano pang supports sa mga team na gumagawa para sa kandidato.
  3. Akuin ang mga gastosin sa mga pagtitipon– Nag-sponsored ng mga kainan, pangkaraniwan sa Marikina ay boodle fight. Tinitipon ang mga tao sa pamamaraan ng pagtagos sa sikmora ng botante, upang doon ay makapag-paliwanag at kumbensihin ang mga tao.
  4. Net-working scheme– ay ginagamit para mangalap ng boto. Sa simula ay walang involve na pera, kailangan lamang alagaan ang mga tao sa network. Habang papalapit na ang halalan, unti-unti na pinadadaloy ang financial support hangang sa pinaka-ibabang kawing ng network.
  5. Paggamit sa mga proyekto ng gobyerno-  maraming available na mga proyekto ang pamahalaan na ginagamit para pagsilbihan ang  kagustuhan ng kandidato at para makuha at kabigin ang mga botante. Halimbawa; Medical, education assistance at iba-ibang klase ng tulong ng gobyerno na dumadaan sa “kagandahang loob ng kandidato”. Malaking bagay ang ‘tupad’ project,  ang tamang timing sa pagsasakatuparan nito.

Pangkaraniwang target ng mga nabanggit na mga estratehiya ay yaong, panguhanin ay ang market votes at swing  votes.

Sa ganitong paraan ay nabibigyan ng pabor at tulong ang mga tao (employment kahit mababang halaga ang natatanggap) at tinatanaw na utang na loob sa politiko.

Ang command vote (kasama dito ang mga die hard)  ng kandidato ay walang masyadong  special privilege na ipinagkakaloob sa panahon ng kampanya, dahil naman ang mga ito ay matagal nang nakikinabang sa kanilang kandidato.

Ang die hard supporters ay  tumutulong ng hindi umaasa ng anumang kapalit, maliban na umaasa na sila ay  mabigyan ng pagkakataon na ma-employ kung manalo ang kanilang kandidato.

Bago ang aktwal na botohan, isang araw na pahinga, bawal na ang kampanya o anumang pag-solicit ng boto. Tahimik ang araw na ito, wala kang mapapansin na mga kilos na kampanya. Pero ang isang araw na ito ang itinuturing na kritikal bahagi ng buong proseso ng halalan para sa mga nag-tutunggaliang kandidato.

Sa araw na ito ay nagbabantay sa bawat kandidato para maiwasan ang kanilang botante ay mai-swing ng kanilang kalaban. Ang termino nila ay ‘gapangan’, palihim na dadalawin at pupuntahan ang malaking pamilya, mga samahan para hikayatin sa kanilang panig. 

Sa puntong ito, nagkakaroon ng mga offer at alok bilang kapalit sa pagsang-ayon ng grupo. Sa kabilang banda naman ay hikayatin ang botante na huwag na bumoto, kung tiyak na hindi nila kayang hikayatin sa panig nila.

Sa panahong ding ito, may mga nakatalagang mga tao sa bawat panulukan ng mga lansangan ng kanilang command vote areas, ito ay para bantayan na may makapasok at makausap ang kanilang command votes.

Nitong nakaraang halalan (barangay election 2018), mga motorcycle riders ang mga ginamit sa pag-ikot sa bawat komunidad. Ito ay preempted na hakbangin para hadlangan ang anumang hakbangin ng katunggali at kasabay at bantayan ang kanilang mga boto, ito ay hanggang kinabukasan sa mismong araw ng halalan.

Sa araw ng halalan:

  • Ang bawat grupo ay may kanya-kanyang pollwatchers na labis-labis sa tamang pangangailangan.
  • Marami din ang bilang ng mga tagapamahagi ng mga sample ballots, ibapa ang sinasabing grupo na taga-bulong.
  • Dagdag pa ang labis na bilang ng mga tauhan sa mga technical na gawain, tulad ng tagapamahala sa foods, tauhan sa voters assistance desk.
  • Iba-ibang gawain na hindi na kailangan sa botohan.

Ang lahat ng ito ay paid workers ng kandidato. Ito ay paniyak na sila ang iboboto ng mga kinuhang mga tauhan.

Sa loob ng voting places:

  • Sa loob at labas ng voting places ang kanilang mga tinatawag na taga-bulong at naglipana sa lahat ng kwarto ng mga paaralan kungsaan nandun ang mga botante. Hanggang bago pumasok sa voting precincts ang botante sila ay nakakampanya pa sa pamamagitan ng “taga-bulong”.
  • Sa loob mismo ng voting places may mga nagaganap na, diskarte laban sa isa’t-isa. Watcher ng kalaban ay aalukin ng halaga para iwanag ang kanyang pwesto bilang watcher ng katunggali at/o kung hindi man iiwan ang pwesto ay nagbubulag-bulagan sa mga nagaganap sa presento.

Sa bilangan:

  • Mahalaga ang papel ng mga guro bilang Board of Election Inspector (BEI) sa mga presinto gayundin ang prinsipal.
  • Sa bilangan nagaganap ang tinatawag na dagdag-bawas na matagal ng naririnig tuwing may election na nagaganap.
  • Ang election inspector ay malaking bagay kung magiging kakampi at papanig sa isang grupo. Ang bayaran sa election inspectors ay isang open secret noon paman at magpahanggang ngayon.

Walang tapat at patas na halalan sa Pilipinas para sa pangkaraniwang mamamayan. Ang lumahok at/o sumali sa halalan ay isang karapatan, at ang bomoto ay isang sagradong tungkulin. Pero ang lahat ng ito ay nawawalan ng saysay sa sistema at kamulatan na umiiral.

Ang halalan sa Pilipinas ay isang laro at/o isang special na gawaing pang-bayan ng may mga salapi, ma-impluwensya at nakabatay sa personalidad at hindi sa kakayanan at katapatan ng mga kalahok.

Gawin ng pamahalaan na maging patas ang kakayanan sa isang halalan, maging pareho ang kakayanan ng may pera at walang pera, ng pobre at marangya sa buhay.

Gastosan ng pamahalaan ang gastosin sa kampanya ng mga kandidato sa magkaparehong halaga. 

-xxx-

Advertisements

Social cancer

Inaasahang pagbabago, nakasalalay sa mamamayan

hamon

Sa mga aksyon at galawan ng mga politika sa Marikina, para bang sa susunod na buwan magaganap ang halalang lokal.

Sumilakbo ang umuusok na galawan patungo sa isang halalang nagniningas na salpokan.

Pagkatapos ng halalang barangay na nag-silbing starting point ng mainit na tunggalian, umaatikabo ang kanya-kanyang konsolidasyon at mga aksyong magtataguyod ng kanya-kanyang grupo sa ngalan ng serbisyo publiko.

Nagmistulang paunang battle ground ng magkabilang magkatunggaling grupo ang katatapos pa lamang na halalan sa barangay. Inaako ng kabilang grupo na nakuha nila ang kontrol sa siyam (9) na barangay.

Tumingkad ang pagkakahati ng lungsod sa dalawang kulay ng dilaw at ang asul. Ang resulta ng halalan sa barangay ay tumungo sa malayong agwat ng pagkakahiwalay na taliwas sa motibo ng halalan na magkaroon ng mandato ang sinumang mamamahala tungo sa pagkaka-isa at kaayusan ng pamayanan.

Habang maigting ang tunggalian ng dilaw at asul at pagkakahati ng dalawang kulay. Naiiwan ang tunay na usapin ang kaayusan at pagpapa-unlad ng mamamayan.

Ang dilaw ay nagtataguyod ng kanyang interes sa ngalan ng serbosyo publiko pareho din ng asul. Sa mga nagtutunggalian at nagsasalpokang kulay at/o grupo, ang tunay na kagalingan/kapakanan ng mamamayan ay nakakaligtaan.

Ang asul ay kumakatawan sa kasalukuyang Mayor ng Lunsod na may malinaw na taga-sunod at tagapag-taguyod. Sa kabilang banda ay ang dilaw ay kinakatawan ng kasalukuyang Kongresman na may parehong layunin – ang sumagupa sa darating na halalang lokal.

Naiipit ang mamamayan, walang nagtataguyod sa tunay na interes ng pamayanan. Walang kumakatawan sa interest ng pangkaraniwang mamamayan ng lunsod.

Habang maigting ang tunggaliang politikal ang magkabilang kulay (asul at dilaw) kailangan ay itaguyod ng mamamayan ang sariling kagalingan at kabutihan.

Para hindi maiwan ang mamamayan sa pagsusulong ng interest ng pamayanan, kailangan ma-organisa ang mamamayan sa sarili kakayanan upang itaguyod ang sariling kagalingan ng pamayanan.

Magpalakas ang mamamayan para itaguyod ang mabuting pamamahala (good governance) na may Katangian ng Good Governance ng mga sumusunod;

KATANGIAN NG GOOD GOVERNANCE:
1. Participation
2. Rule of law
3. Transparency
4. Responsiveness
5. Consensus oriented
6. Equity and inclusiveness
7. Effectiveness and efficiency
8. Accountability

Bello at Duterte, may pananagutan

%d bloggers like this: