Presidential Anti-Corruption Commission (PACC)

President Rodrigo Duterte signed Executive Order No. 34, on  October 4, 2017, PACC is to assist the President to investigate and hear administrative cases of graft and corruption.

The PACC is to recommend and will submit its finding to the President and refer the case to the Ombudsman, bureau, commission, agency or deputize any committee, to conduct a fact-finding investigation.

EO No. 43

123456

Advertisements

Karanasan sa Ondoy- 8 taong nakalipas

Ikalawang Bahagi:  Ang unang bahagi ay inilathala sa noong  September 26, 2009 bilang pag-alaala sa karanasan bunga ng Bagyong Ondoy.

Septerber 26, 2009, ganap na ika -5 ng hapon nakatawid ako at iba pa sa tulay sa pagitan ng San Mateo, Rizal at Marikina. Pagkatapos bumaba ang tubug baha sa ibabaw ng nasabing tulay.

Mula doon ay nilakad namin hangang kung saan umabot ang baha sa Marikina. Mag ika-6 ng hapon nakarating kami sa Barangay Parang, kungsaan ang bahagi ng Barangay na inabot na ng baha, na ngayon ko lamang nasaksihan sa hinaba-haba ng aking paninirahan sa Marikina.

Dalawang Barangay ang aking dapat lampasan para makarating sa aming Barangay na pinaninirahan. Sa Barangay Parang na inabot na din ng baha at Barangay Concepcion Uno, bago ang Barangay na aking tirahan.

Sinubukan namin (dahil hindi na lamang ako marami na kami) na sumakay ng isang truck na ang driver ay naniniwala na kakayanin ng truck ang lalim ng baha.Subali’t hindi pa nakakadalawang poste ang layo ng aming nilakbay ay halos kalahati na ng truck ang tubig. Kaya naman, nagpasya ang driver na bumalik.

City Administrator and Department Head

Ang batas ay kalipunan ng patakaran at/o mga panuntunan sa isang nasasakupang bansa o  komunidad para regulahin ang pagkilos at relasyon ng mga membro ng nasasakupan. Ipinapatupad na may kaakibat kaparusahan.

Ang batas ay pantay-pantay na ipinapatupad ng walang pinapanigan, kahit pa opisyal ng pamahalaan at/o pangkaraniwang mamamayan.

Tanong: Ang empleyado ba ng pamahalaan ay maaaring magkaroon ng dalawang (2) posisyon o tungkulin sa magkasabay na panahon?

Ayon sa website marikina.gov.ph ay makikita ang dalawang posisyon na may iisang tao ang tagapamuno. Ito ba ay ipinapahintulot ng batas?

Paano nga ba inilalagay sa tungkulin at/o posisyon ang isang empleyado, lalo na ang City Administrator? Ayon sa Republic Act 7160, ay isinasaad ang mga sumusunod;

There shall be a city administrator in each city,  provided that he or she is appointed by the city mayor WITH THE CONCURRENCE of the majority of all the Sangguniang panlungsod members. (all caps supplied)  The Sangguniang panlungsod shall act on the appointment within fifteen (15) days from the date of its submission, otherwise the same shall be deemed confirmed.Section 454 of Republic Act 7160. Further, the term of the administrator is coterminous with that of his appointing authority. – Section 480 of Republic Act 7160.

Malinaw sa patakaran na ang City Administrator ay co-terminous ng nag-appoint. At kailangan ay may pagsang-ayon ang majority ng council members.  Nai-sumite na kaya sa council ang appointment para ito ay nombrahan ng Konseho? May pagsang-ayon naba ang konseho? Kung wala pa at  ito ay nai-endorso na sa konseho at walang aksyon, ito ay ituturing na may  concurence na ng konseho.

Ang susunod na kailangan maresolba ay kung maari at/o pinapayagan ng batas ang pagkakaroon ng dalawang (2) posisyon ang isang empleyado at/o opisyal ng gobyerno sa isang panahon?

Ano ang opinyon ninyo… please educate us!

 

###

 

DI NYO BA NARIRINIG?

(Do You Hear the People Sing from Les Miserables by Schönberg/Kretzmer)

 

 

Di niyo ba naririnig?
Tinig ng bayan na galit
Himig ito ng Pilipinong
Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim
Ang araw ay mag-aalab
At mga pusong nagtimpi
Ay magliliyab
Ikaw ba’y makikibaka
At hindi maduduwag
Na gisingin ang mga panatikong bingi’t bulag
Kasinungalingan labanan hanggang mabuwag
Di niyo ba naririnig?
Tinig ng bayan na galit
Himig ito ng Pilipinong
Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim
Ang araw ay mag-aalab
At mga pusong nagtimpi
Ay magliliyab
Ikaw ba ay dadaing na lang
Kimi’t magmumukmok
Habang nagpapakasasa
Ang mga trapong bulok
Gisingin ang puso
Galitin hanggang pumutok
Di niyo ba naririnig?
Tinig ng bayan na galit
Himig ito ng Pilipinong
Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim
Ang araw ay mag-aalab
At mga pusong nagtimpi
Ay magliliyab!
Magliliyab!

(Filipino Translation by Vincent de Jesus and Additional Lyrics by Rody Vera and Joel Saracho)