no electionCongressman Umali ay nag-file ng bill na magpapaliban ng Barangay at SK election na nakatakda sa ika-14 ng Mayor,  2018.

Ayon kay Umali, “Nag-file na po ako ng bill para ipagpaliban yung barangay election. Pag yun ay sinusugan ng aming mga kasama at alam mo naman sa Kongreso may supermajority ay palagay ko ay mangyayari yun”

Kailangan ipagpaliban ang Barangay at SK election para bigyan daan ang pagbabago ng Saligang Batas, na hindi kayang tapusin sa napaka-ikling panahon.

Inaasahan na ang plebisito at/o pagpapatibay ng bagong Saligang Batas sa pamamagitan ng plebisito ay isabay sa Barangay at SK Election. Ang panukala ni Congressman Umali ay ipagpaliban at isagawa sa taong 2019.

Read: Further postponement of barangay, SK polls sought

Hindi sinabi ni Pangulong Duterte na dapat matuloy ang Barangay at SK Election. Ang pagpapaliban ng Barangay at SK Election ay  nasa pagpapasya ng Kongreso. Bagama’t ipina-alaala ng Pangulo na, maaaring ang drug money ay maka-impluwensya sa resulta ng halalan sa Barangay.

Sinabi ng Pangulo sa isang talumpati, na: “Sabi ko kay Bong [Go], ‘Sabihin mo sa kanila, Congress, it’s their choice. Hardly if it’s ours.’ Kasi kung mag-input tayo, marami namang… Well of course, ‘ah ganu’n ganu’n. Dictatorial. Ayaw ng election”

“So kung manalo ‘yang mga barangay captains na-backed up ng drug money, eh panibagong away ‘yan. Panibagong patayan na naman ‘yan”, ayon sa Pangulo.

Read: Duterte hands off on proposal to postpone barangay, SK elections anew

Walang nakikitang dahilan para hindi matuloy ang Barangay at SK Election. Sinabi ng Senador na; “Wala nga ako maisip. Kaya nga hindi ako nag-file ng postponement eh, dahil kung may naisip talaga ko na reason, ipapa-postpone ko rin. Pero wala eh.”

Walang panukalang batas na inihain para sa pagpapaliban ng Barangay at SK Election sa Senado. Subali’t kung maipasa sa kongreso ang panukalang pagpapaliban. Dadalhin ang panukasa sa Senado doon ay tatalakayin. Depende sa Senado kung ipapasa o hindi.

Kung ang panukala ay papasa sa kongreso at hindi ipapasa sa Senado, walang Halalan na magaganap.

Read:  Pimentel sees no more reasons to postpone barangay, SK elections again

Kaparehong panukala ang inihain ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na ipagpaliban ang halalan sa October 2018.

Ayon kay Congressman Johnny Pimentel, ay; “Given the coordination costs and expenses of organizing the elections, it is suggested to give the Commission on Elections and other involved agencies additional time to further ensure credible and effective barangay elections”

Read: Lawmaker files bill postponing barangay, SK polls for third time

Hands off ang Pangulo sa pagpapasya kung ipagpapaliban ang Barangay at SK Election. Ang mga nag-file ng mga panukalang batas para ipagpaliban ay pawang kasama sa Majority at administrasyon. Kahit pa si Senator Pimentel ay kabilang sa Majority at Administrasyon.

Anuman ang kanilang mga ipinahayag na rason sa pagpapaliban ng halalan, mangingibabaw padin sa kanila ang kanilang pang-politikal kagostuhan. At dahil nasa parehong partido at alyansa marahil ay mangingibabaw ang kagustuhan ng Majority sa Kongreso at Senado. ###

Advertisements