taxTax Reform for Acceleration and Inclusion, kung tawagin ay TRAIN. Ano nga ba ang pakinabang ng pangkaraniwang mamamayan.

Kung ikaw ay mayaman: Pinaka-malaki ang iyong babayaran sa buwis sa pamamagitan ng Income tax. At dahil ikaw ay mayaman, anuman ang epekto ng TRAIN sa pagtaas ng mga bilihin simula sa produktong petrolyo wala itong epekto sa iyo dahil kaya mong sumabay sa pagtaas ng buwis dahil sa excise tax ng TRAIN. Sa kabilang banda, ang mga luxury cars ay mababa ang babayarang tax dahil sa TRAIN ni Pangulo. Kung mayaman ka, wala kang talo, panalo pa. Salamat sa Pangulo Duterte.

Kung ikaw ay nasa Middle Class: Malaki ang iyong babayaran sa iyong Income Tax, pero malaki padin ang iyong take-home pay. Maayos padin ang buhay, walang problema. Liliit nga lang ang iyong ipon. Salamat at hindi ka magugutom dahil sa TRAIN.

Kung ikaw ay pangkaraniwang manggagawa at pobre: Dati kanang walang  binabayarang Income Tax, dati kanang libre sa Income Tax.  Kung ganun, walang epekto sa ito ang Income Tax. Pero dahil sa excise tax ng TRAIN, lalong maghihigpit ka ng iyong sinturon, dilikado ang pag-aaral ng iyong mga anak. Sabi nga ni Pangulong Duterte, ‘mahirap kayo? putang ina, magtiis kayo sa hirap at gutom. Sisihin mo ang sarili nyo.###

Advertisements