Digmaan-AMA, ANAK, KAPATID, KAMAG-ANAK NG MGA MANGGAGAWA ANG MGA SUNDALO AT PULIS NA ISINASABAK SA PATAYAN

AMA, ANAK, KAPATID, KAMAG-ANAK NG MGA MANGGAGAWA ANG MGA SUNDALO AT PULIS NA ISINASABAK SA PATAYAN~

#AllOutWar: Kung sakaling magkaroon o isagawa ang kahilingan ng mga utak pulbura na mag-lunsad ng ALL-OUT-WAR sa Mindanao laban sa MILF/MNLF/BIFF ang tatamaan lamang kaya ang mga grupong ito? Hindi kaya apektado ang mga sibilyan na namumuhay ng mapayapa?

Ano kaya ang mangyayari at ating pakiramdam kung sa Mindanao nakatira ang iyong kaibigan? Kung doon naninirahan ang iyong mga kakilala? Kung doon nakatira ang iyong pamilya at mismo ikaw ay doon nakatira? NANAISIN MOBA ANG DIGMAAN?

PAANO kung anak mo ay sundalong isasabak sa Gyera, masaya kaba? Kung kapatid, tatay, tiyuhin, pamangkin mo ay Pulis at/o sundalo na isasama doon sa patayan, nanaisin moba?

PAANO kung Asawa mo ay isa sa lalahok sa gyera/patayan laban sa mga grupong ito? Hindi baga’t kaya nagPULIS at nagSUNDALO sila ay dahil walang ibang hanapbuhay na mapasukan na relatibong masmalaki ang sahod sa pangkaraniwang Manggagawa. PAANO kung napatay ang Asawa mo sa gyera, paano na ang baon sa school ng anak mo? PAANO na ang gastusin sa pag-aaral?

DAPAT, gyerna na. Wala naman akong kaibigan at kamag-anak na sundalo. Wala din akong kaibigan at kakilala sa Mindanao, kaya GYERA ang dapat sagot sa pagkamatay ng #FALLEN44 at iba pa. GYERA NA! Nasa Maynila naman ako hindi ako tatamaan at apektado ng gyera.

MAYABANG ako magsalita na kailangan ay gyerna dahil hindi ako apektado. Ang mga apektado nanaisin ba nila ng gulo?

MAYABANG ako kaya gusto ko magkaroon ng gyera. Gusto ko dito gawin ang gyerna sa Metro Manila. Dito sila magbarilan basta tiyakin lamang nila iiwasan ang tao at mga sibilyan ng bala.

MAYABANG ang nagsasabi ng gyera lalo na ang mga opisyal dahil hindi naman sila ang pupunta sa gyera, magmamando lamang sila.

HINDI NATIN NAUUNAWAAN, ang ibina-bala sa mga gyera ay anak din ng Manggagawa, Magsasaka. Anak ng pangkarinwang Pilipino, anak maralita.

SIGE GYERA NA! Basta ba silang nais ng gyera ang hahawak ng baril at pupunta sa lugar kung saan ang digmaan. KUNG GANUN NANAISIN MO BA NG GYERA? ###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s