Regular at Kaswal na Empleyo

Walang ibang batas at/o patakaran ang gumagabay at/o panuntunan sa relasyon sa paggawa, kundi ang Kodigo sa Paggawa ng Pilipinas (Labor Code of the Philippines) sa usapin ng katayuan sa paggawa sa alinmang establisyemento para pagtubuan at/o hindi.

Ayon sa kodego sa paggawa, Dalawa (2) lamang ang katayuan sa paggawa, Una: Regular na empleyo, Pangalawa: Kaswal na empleyo. Maliban sa dalawang nabanggit ay wala ng ibang katayuana sa empleyo.

Regular at Kaswal na empleyo?

REGULAR ang empleyo, kung ang manggagawa/empleyado ay gumagampan at gumagawa ng mga gawain na pangkaraniwang kailangan at/o kanais-nais sa pangkaraniwang negosyo at/o komersyo ng nagmamay-ari. Kahit pa, may nakasulat at/o hindi nakasulat na kasunduan/kontrata sa pagitan ng mga partido.
Art. 280. Regular and casual employment. The provisions of written agreement to the contrary notwithstanding and regardless of the oral agreement of the parties, an employment shall be deemed to be regular where the employee has been engaged to perform activities which are usually necessary or desirable in the usual business or trade of the employer. xxx
Ang KASWAL na empleyo ay kung hindi naaayon at/o nasasakop sa mga nabanggit sa itaas.
xxx An employment shall be deemed to be casual if it is not covered by the preceding paragraph: xxx
Kung ang naturalisa ng empleyo ay KASWAL, ituturing na REGULAR kung ang empleyo ay tumagal at/o umabot ng isang (1) taon, tuloy-tuloy man o putol-putol ito ay ituturing na REGULAR ayon sa gampanin sa pagkaka-empleyo at mananatili sa pagkaka-empleyo hangang umiiral ang ginagampanang gawain.
xxx Provided, That any employee who has rendered at least one year of service, whether such service is continuous or broken, shall be considered a regular employee with respect to the activity in which he is employed and his employment shall continue while such activity exists. xxx
Ang Regular na empleyo ay matatagpuan din sa mga proyekto na magtatapos sa takdang panahon, ito ang tinatawag na PROJECT employment. Ganundin may tinatawag na SEASONAL employment.

Project at Seasonal employment?

Ang empleyo na nakabatay sa PROJECT ay nakadepende at/o nakabatay sa pagtatapos ng isang partikular na proyekto. Ang partikular na proyekto ay natapos, doon din natatapos ang pagka-empleyo. Ito ay nangangahulugan na ang Manggagawa sa isang partikular na proyekto ay REGULAR na empleyado.
Halimbawa: Kung ang proyekto ay pagtatayo ng gusali, ang mga empleyado sa proyekyong ito ay regular, hanggang sa pagtatapos at makumpleto ang proyektong gusali. Sa pagtatapos ng gusali ay doon din magtatapos ang empleyo sa proyekto.
xxx except where the employment has been fixed for a specific project or undertaking the completion or termination of which has been determined at the time of the engagement of the employee xxx.
PANA-PANAHON (SEASONAL) na empleyo, ito ay mahigpit na naka-depende sa isang partikular na panahon. Nangangahulugan na ang empleyo ay sa isang takdang panahon sa loob ng isang taon. Ibig sabihin, ang haba at/o tagal ng trabaho ay nakadepende sa pag-iral ng panahon.
xxx or where the work or service to be performed is seasonal in nature and the employment is for the duration of the season. xxx

Hindi ito nangangahulugan na ang pagiging empleyado ay natatapos sa pagtatapos ng mga gawain ng seasonal employee. Kung paulit-ulit na gawain sa bawat taon, ang empleyo ay pansamantala lamang natigil dahil sa pagtatapos ng season. Hindi nangangahulugan na tanggal na ang empleyado sa kanyang empleyo. Ang pagtigil sa trabaho ay itinuturing ng batas na pansamantala lamang at ang empleyado ay naka on-leave sa panahong walang gawain.

G.R. No. 186439- UNIVERSAL ROBINA SUGAR MILLING CORPORATION and RENE CABATI, Petitioners, vs. FERDINAND ACIBO, ROBERTO AGUILAR, EDDIE BALDOZA, RENE ABELLAR, DIOMEDES ALICOS, MIGUEL ALICOS, ROGELIO AMAHIT, LARRY AMASCO, FELIPE BALANSAG, ROMEO BALANSAG, MANUEL BANGOT, ANDY BANJAO, DIONISIO BENDIJO, JR., JOVENTINO BROCE, ENRICO LITERAL, RODGER RAMIREZ, BIENVENIDO RODRIGUEZ, DIOCITO PALAGTIW, ERNIE SABLAN, RICHARD PANCHO, RODRIGO ESTRABELA, DANNY KADUSALE and ALLYROBYL OLPUS, Respondents. January 15, 2014

Probationary employment?

Ang Probationary employment ay panahon kungsaan ang empleyado ay nasa yugto ng pagsubok at pag-aralan para malaman kung maaaring maging REGULAR na empleyado.

Ang tagal ng probationary period ay hindi dapat lumampas ng Anim (6) na buwan, kung lumampas sa anim na buwan ang probationary period and empleyado ay ituturing na regular na empleyado.

Ang empleyadong nasa probationary ay maaari lamang tanggalin sa makatarungang dahilan (just cause) at/o dahil hindi nakapasa/naipasa ang mga makatuwirang pamantayan para maging regular na empleyado. Ang makatuwirang mga pamantayan ay dapat ipinaalam bago magsimula sa pagiging probationary na empleyado.

Art. 281. Probationary employment. Probationary employment shall not exceed six (6) months from the date the employee started working, unless it is covered by an apprenticeship agreement stipulating a longer period. The services of an employee who has been engaged on a probationary basis may be terminated for a just cause or when he fails to qualify as a regular employee in accordance with reasonable standards made known by the employer to the employee at the time of his engagement. An employee who is allowed to work after a probationary period shall be considered a regular employee.

Batay sa mga nabanggit at tinalakay sa itaas;

 

Wala sa alinmang mga provision ng Kodego sa paggawa ang tinatawag na kontrakwal. Kung ganun, ang mga tinatawag na “ENDO” ay mga regular na empleyado at hindi DAPAT inaalis sa trabaho bago dumating a Lima (5) o Anim (6) na buwan sa kanilang empleyo.

KUNGGANUN, ang mga nagmamay-ari at/o employer na gumagawa ng Kontrakwal at/o ENDO ay illegal at labag sa Batas na umiiral.

-###-
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s