Karanasan sa Ondoy- 7 taong nakalipas

Unang Bahagi: Isinulat bilang pag-alaala sa karanasan bunga ng Bagyong Ondoy na naganap noon September 26, 2009

Pitong (7) taon na ang nakalipas ng maganap ang pagbaha dala ng bagyong Ondoy noong September 26, 2009. 

September 24, 2009, pumasok sa bansa ang bagyong Ondoy. Hindi masyadong malakas ang buhos ng ulan sa araw na iyon at maging sa sumunod na araw, ika-25 ng Setyembre, 2009.

ondoyIka-26 ng Setyenbre, 2009, ika-7 ng umaga ay umalis ako ng aming bahay sa Malanday, Marikina City. Para mag-deliver ng mga inuming de-bote sa San Mateo, Rizal.

Umuulan ng ako ay umalis, sa mahina at panaka-nakang buhos ng  ulan hindi ako naniniwala na ito ay makakalikha ng baha sa aming lugar. Ang aming lugar ang unang lumulubog sa tubig baha kung malakas ang ulan.

Kaya naman, panatag ang aking kalooban na umalis at walang pag-aalinlangan na magkakaroon ng baha.

Habang papalapit ako sa aking destinasyon lumalakas ang ulan, ganun din ang bugso ng hangin. Humigit kumulang 10:30 ng umaga sa araw inyon, ako ay nasa Santa Barbara Village, Bagong Silangan, San Mateo, Rizal. Maaring sabihin nasa bundok ako, mataas na lugar.

Nakatanggap ako ng tawag sa aking mobile two way radio mula sa aking anak na bunso gamit ang radio set-up sa aming tahanan.

“Dadi, dadi uwi kana. Baha na”, banggit ng aking anak sa radyo. “Hangang saan na ang tubig”, ang aking sagot.

“Nasa paa kona”, ang sagot sa akin. “Tataas paba?” ang aking tanong. Hindi na sumagot ang radyo.

Nagmadali akong isaayos ang aking mga karga sa truck at nagmamadaling nag-byahe pauwi sa Marikina.

Habang nagmamadali ako pabalik sa Marikina, sinubukan ko uli tumawag sa radyo pero wala nang sumasagot.

Nagdadalawan isip ako, kung nagsasabi ng totoo ang aking anak, dahil sa lakas ng ulan ay hindi ako makapaniwala na tumaas ang baha at umabot sa aming tahanan.

At dahil, walang sumasagot sa radyo, kinabahan na ako at lalong nagmadali sa pagpapatakbo ng aking multicab na menamaneho.

Habang mabilis ang aking takbo, naghanap ako ng makakausap na tao sa ibang frequency. Nagkaroon ako ng contact sa ibang ham radio operator at pinaki-usapan ko na tawagan ang telephone number sa aming bahay.

Pagbalik ng aking kausap sa ere, sinabi niya; “old man, walang ring ang telepono na pinatawagan mo”.

“Old man, paki-ulit naman”, ang aking paki-usap. “Wala talaga, old man, paulit-ulit na nga”, ang muling shout ng aking kausap.

Sa pagkakataong iyon, nagpalipat-lipat ako ng frequency at nag-monitor sa aking mobile two way radio. Doon lamang ako, lubusang naniwala na totoo ang sinabi ng aking anak.

Mabilis akong nakarating sa tulay na patawid ng Marikina, Modesta Village, San Mateo, Rizal. Inabutan ko sa tulay ang malakas na agos ng tubig na nagkukulay pula, mahigit sa dalawang bahay ang taas sa ibabaw ng tulay.

Kaagad ako umalis at nag-isip ng ibang madadaanan. Habang nagmamadali na pumunta sa ibang matatawiran, kumausap ako ng radio operator sa lugar na pupuntaha at nagtanong kung makakaraan ako sa aking planong daanan.

Sa kasamaang palad walang radio operator na  malapit sa target area. Kaya nakarating ako sa lugar ng Brgy. Gulod Malaya, San Mateo, Rizal na may daanan patungo sa Marikina. Inakala ko na makakaraan ang sasakyan. Mataas na ang tubig sa kalsada.

Isang malaking truck ang nalakas ng loob na lumusong sa tubig pero ito ay namatayan ng makina at nanatili sa tubig baha.

Muli ay sinubukan ko pumunta sa isang lugar na maaaring tawiran patungo sa Marikina. Nakarating ako sa  Monterey Hills nagbabakasakali na doon ay makatawid patungo sa Marikina.

Pagdating sa lugar lubog at malalim na ang tubig sa tulay, malakas pa ang agos. Kaya imposibleng makauwi sa mga oras na iyon.

Nagpasya akong bumalik sa Modesta Village, doon na lamang naghintay ng pagbaba ng tubig, simula ika-2:00 ng hapon. Habang nakikinig sa mga usapan ng mga radio operators sa mga kaganapan.

Ganap na ika-4:00 ng hapon ay bumaba ang tubig sa ibabaw ng tulay. Subalit hindi padin madaanan, dahil ang tulay ay puno ng iba-ibang bagay, tulad ng troso, meron bubong ng bahay at iba-ibang uri ng mga bagay na dinala ng tubig baha, halos umabot sa taas na katumbas ng dalawang palapag na bahay.

Nagpasya akong iwanan ang aking dalang multicab sa isang kakilala sa lugar. At tinawid ang tulay, sa ibabaw ng mga nakatambak na mga kahoy, troso, bahagi ng bahay at bubong ng bahay at ibang bagay na dinala ng baha sa nasabing tulay.

Ang ikalawang bahagi ay ilalathalaa sa susunod na taon September 26, 2017.

###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s