ANG BOSS NI PNOY BINOSABOS

“BAWAL ANG WANGWANG, BAWAL ANG COUNTERFLOW” mga katagang pininaniwalaan kay Pangulong Benigno S. Aquino III. Ang mga pangakong tungkulin lamang ng isang pangkaraniwang Pulis at/o hindi man ay kayang gawin ng pangkaraniwang Barangay Tanod. Hindi katapat na tungkulin ng isang Pangulo ng Bansa.

“TUWID NA DAAN, KAYO ANG BOSS KO” lalong nagpabulag sa mamamayan na ang pangulong B.S Aquino III ang kasagutan sa matagal na inaasam na pagbabago. Nag-ilusyon tayo sa matatamis na pananalita ni Pnoy.
Unti-unting nahubaran ang tunay na motibo ng Pangulo- ang bolahin at lokohon lamang ang Sambayanan.

Sinubukan ang pamumuno ni B.S Aquino III sa Luneta Hostage drama at umalingawngaw sa buong mundo ang kapalpakan ng kanyang pamumuno na nagresulta ng kamatayan ng walong (8) Hong Kong tourist.

Tinangka ni Pnoy na hawakan sa leeg ang Korte Suprema para sa ganun ay maging sunodsunoran sa kanyang nais mangyari. Malaking halaga ang tinanggap ng mga Senador mula sa Administrasyon para lamang mapatalsik ang dating Supreme Court Justice Renato Corona.

 

Muli tayong pumalakpak sa kanyang muling pangbobola “KUNG WALANG CORRUPT, WALANG MAHIRAP” kaya naman mga KAKLASE, KAIBIGAN, KABARILAN ang unang pinagbigyan at binigyan ng pabor ni Pnoy. Na nagresulta ng nanatili magpahangang ngayon ang mamamyan ay naghihirap, at pagkakamal sa ganansya ng iilan.

Pinanatili ng Administrasyon ni Pnoy ang hindi pantay na mga Bi-lateral na mga kasunduan sa pagnenegosyo. Ang Build Operate and Transfer (BOT) ni Ramos at Gloria ay lalong pinatindi ng Public and Private Partnership (PPP) na walang ibang nakinabang kundi ang malalaking dayuhan at lokal na mamumuhunan.
Dahil sa patakarang PPP, ang sinuman na magnegosyo sa ilalim ng PPP ay may garantiya at katiyakan sa tubo ng mamumuhunan. Kung ang negosyo sa ilalim ng PPP ay hindi tumubo at/o nalugi, ang pagkalugi ay pupunuan ng pamahalaan damit ang ibinayad na tax ng mamamayan.

Bukod sa garantiya sa tubo ay tax heaven ng mga dayuhan negosyo ang Pilipinas. Para lamang magdala at/o magtayo ng negosyo sa pilipinas ang dayuhang mamumuhunan sila walang babayarang tax.

Dahil sa patakarang PPP, lalong pinatindi ng Adminitrasyon ni Pnoy ang pagsasapribado ng serbisyong pang-publiko. Kaya naman ang “serbisyo publiko, ngayon ay isang malaking negosyo”. Hindi na serbisyo ang motibasyon, kundi tubo para sa mga mamumuhunan.

Inabandona ng Pamahalaan ang kanyang tungkulin na magkaloob ng serbisyo sa mamamayan at ito ay inililipat sa mga pribadong mamumuhunan.

Umalingaw-ngaw ang wang-wang ni Pnoy na nag-counter-flow sa tuwid na daan.
Selective Justice ang isinagawa ng Administrasyon, kinasuhan at ikunulong ang mga kapwa niya corrupt na politko sa kanya ay kumakalaban, samantalang ang mga kaalyado ay nanatiling nagpapasasa sa kaban ng bayan.

Tuluyang naalis ang maskara ng pagkukunwari ni Pnoy at ng kanyang administrasyon sa pagkakalantad na billiong anomaly sa DAP/PDAF. Corrupt ang administrasyon ni PNOY, mula sa Malakanyang hanggang sa pinakamaliit na opisina ng Barangay Tanod sa mga pamahalaang pangbarangay.

Walang tuwid na daan, tulad ng pinapangalandakan ni Pangulong Pnoy. Hindi natagpuan ng mamamayan ang tuwid na daan ng Pangulo sa romagasang sakuna dulot ng Yolanda, kapabayaan sa maagap ng pagtugon sa epekto ng nasabing bagyo. Binalot din ng corruption ang pagsasagawa ng rehabilitation sa apektado ng bagyong Yolanda.

Sumadsad na sa Lupa ang kawalan ng malasakit ni Pangulong Pnoy sa Mamamayan, inilibing na sa hukay ang dating tiwalang ibinigay sa kanya ng mamamayan. Hindi makakabangon dahil sa kaganapan sa Mamasapano encounter na pumatay sa 44 SAF at 18 Mandirigmang Muslim at mga sibilyan.

Pangulong Benigno S. Aquino III kinatawan ng Burgesya at Kapitalista
Bilang kinatawan ng Kapitalistang Interes, tiniyak na ang pangunahing serbosyo publiko ay gawing negosyo,, tulad ng pang-publikong transportasyon (MRT/LRT), kuryente, tubig. Ganun dun ang malalaking proyekto ng gobyerno ay ipibagkaloob sa kanyang mga boss na negosyante sa papapagitang ng eskimang Public, Private Partnership (PPP). Kaya naman ang malalaking negosyante na kanyang mga boss ay nanatili bilang pinaka-mayayaman sa buong bansa at maging sa buong mundo.

 

Sa kabilang banda, walang aksyon ang administrasyon ni Pnoy sa laganap na kontraktwalisasyon, kawalan ng hanapbuhay, komersyalisadong edukasyon at serbisyong pangkalusugan, walang maayos na programang pabahay. Hindi nakatapak ang mamamayan sa ipinagmamayabang na tuwid na daan, dahil ito ay nakalaan sa burgesya at local at dayuhang kapitalista na walang hangad kundi ang magkamal ng malaking tubo.

 

Ininsulto ng Administrasyon ni Pnoy ang mga manggagawa sa paglimos ng P15.00 dagdag na sahod sa mga manggagawa sa kalakhang maynila, na halos lahat ng mga negosyo ay exempted na ipatupad ito.

 

Ang pinakahuling kawalan ng malasakit ng Administrasyon ni Pangulong Pnoy, nang hindi nya pirmahahan ang 2000.00 pension na pangkaraniwan ay mga senior citizen na walang ibang inaasahan kundi ang natatanggap na pension mula sa Social Security System.

 

Sa kabila nito ay ang dambuhalang mga sahod ng mga opisyales ng SSS, huwag na banggitin ang million peso na mga bonuses ng mga opisyal.###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s