OPISYAL NA BALOTA INILIPAT SA MARIKINA

March 4, 2016. Marikina City– Isang truck load na opisyal na balota para sa halalan 2016 inilipat ng COMELEC sa pansamantalang bodega sa Marikina City.

Kaugnay sa nasabing paglilipat ang NAMFREL bilang isa sa accredited election watch dog ay nagsagawa ng pag-monitor sa nasabing palilipat.

Sinalubong ng mga Volunteer ng NAMFREL-Marikina ang nasabing truck na may dalang balota sa panulukan ng Katipuna Ave. at Aurora Blvd. sa Quezon City.

Mula sa Katipunan ay sinamahan hangang makarating sa inupahang bodega ng COMELEC  sa Barangay Calumpang, Marikina City.

Kasama ng NAMFREL-Marikina ay mga Motorcycle Volunteer na membro ng iba’t-ibang Riders Club sa Marikina na kasapi ng Marikina Motorcycle Riders Federation (MMRF), tulad ng MIO Group, MMRC, at Ombra Group.

MMRF Riders sa Katipunan Ave. habang hinihintay ang pagdating truck

Bago mag ika-12 ng tanghali ang nasabing truck ay nakarating sa nasabing Bodega at ibinaba ng mga tauhan ng COMELEC na naghihintay.

Truck na may lamang balota bago ibaba sa Bodega sa Marikina

Bandang 10:30 ng umaga ang truck  na may kargang mga balota ay umalis sa National Printing Office, ayon sa text mesage ng NAMFREL Vounteer na naka-sunod sa truck ay may kargang 700 boxes ng balota.

Bago ang paglilipat, ang COMELEC ay inimbitahan ang mga partido politikal, party-list  group at accredited citizens group na saksihan ang paglilipat ng balota mula sa National Printing Office na pagsamantalang bodega sa Marikina City bago ipadala sa iba’t-ibang lugar sa buong kapuluan. ###

Click for more image

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s