Humigit kumulang ika-7 ng gabi ngayong ika-13 ng Pebrero 2016 (Sabado) dumating si Vice-president Jejomar Binay sa Barangay Tumana, Marikina City bilang bahagi ng kanyan kampanya para sa pagka-pangalawang pangulo.

Kasama sa dumating ay ang kandidato sa pagkapangalawang pangulo na si Gringo Honasan at ang unang nominado ng Buhay Partylist.

Sa talumpati ng pangalawang pangulo ay nakapatungkol sa usapin ng pagmamay-ari ng lupang tirahan ng mga taga-tumana.

12745719_933877009993589_2938243819530819791_n

Vice-president Jijomar Binay at ilang mga kagawad ng Barangay Tumana

Nangako ang pangalawang pangulo na aasikasuhin niya ang nasabing suliranin, kung siya ay mananalo. Dagdag pa, “kung hindi ko matutupad ang aking pangako maaari ninyo akong paalisin sa pwesto” na sinagot ng palakpakan at hiyawan ng mga taong dumalo sa nasabing okasyon.

Bago mag ika-9 ng gabi ay umalis ang grupo ng pangalawang pangulo pagkatapos magsalita sa harap ng mga tao.

12715569_933876743326949_4440024597517298945_n

Pangalawang pangulo papaalis mula sa kanyang pinagtalumpatian

Bago makarating ang pangalawang pangulo sa nasabing pagtitipon, sakay ng kanyang campaign truck ay kumakaway sa mga tao na nadadaanan sa kahabaan ng J.P Rizal Street.###

more images here

Advertisements