BONGBONG MARCOS DUMALAW SA BARANGAY MALANDAY

Marikina City, Jan. 28, 2015– DINALAW ni Senator Ferdinand Romualdez Marcos, Jr., na mas-kilala sa Bongbong Marcos ang Barangay Malanday sa Lunsod ng Marikina.

Ganap na ika-1:00 ng hapon ay maraming tao ang nagkaka-iponipon sa harapan ng Barangay Hall, Barangay Malanday. Kanilang hinihintay ang padating si Senador Bongbong Marcos.

Handang-handa ang Pamahalan ng Barangay, dahil may mga nakatayong ng tent na ginawang silungan ng mga tao at mga upuan.

Humigit-kumulang ika-2:00 ng hapon ay dumating ang Senador at nagtuloy sa opisina ni Kapitan Joseph Briones, kasunod ang mga taong nais makadaupang palad ang Senador.

Senador Bongbong Marcos nakikipag-kamay sa mga taong sa kanya ay sumalubong

Pagkatapos makipag-usap sa Kapitan, ang dalawa ay lumabas para harapin ang mga taong, sa Senador ay naghihintay.

Mainit na ipinakilala ni Kap. Briones si Sen. Bongbong Marcos sa mga tao, bago magsalita at magbigay ng mensahe ang Senador. Pagktapos, hindi magkamayaw ang mga tao sa pagpapakuha ng litrato kasama ang Kagalang-galang na Senador.

Kapitan Joseph Briones at Senator Bongbong Marcos

Bago paman dumating sa Barangay Malanday si Bongbong Marcos, siya ang galing at nakaharap na si Mayor Del De Guzman sa City Hall ng Lunsod ng Marikina.

Pagkatapos sa City Hall, parehong mainit na pagsalubong ang ginawa ng mga mag-aaral at mga guro ng Sta Elena Elementary School at sa pangpublikong pamilihan ng Marikina .

Ang Senador ay nakatakdang dumaan sa Barangay Tumana bago tuluyang tapusin ang kanyang pagdalaw sa Lunsod ng Marikina.

Si Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. ay kasalukuyang Senador  ng 16th Congress at tagapamuno ng (1) Committee on Local Government; (2) Committee on Public Works at Pang-tagapamahala at membro ng iba’t-ibang Komite sa Senado.

Si Bongbong Marcos ay kandidato para Pangalawang Pangulo ng Bansa sa darating na halalan Mayo 2016. Kasama si Sen. Mirriam Santiago para sa pagka-pangulo.

More Images here

###

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s