PASKO- NEGOSYO AT TUBO

Pasko ay panahon ng kasiyahan at kagalakan, pero hindi dapat kalimutan ang isang katotohanan, sa kabila nito ay nagaganap ang kawalan ng katarungan sa Lipunan.

Hindi pangkaraniwan sa mamamayan na iugnay ang kapaskuhan sa Politika at ekonomiya. Kung may kaugnayan man sa pananaw ng mga tao ang pasko ay panandaliang pagtakas at/o pagkalimot sa hagupit ng pagdurusa at kawalan ng pang-ekonomiyang katarungan.

 

Pananaw ng mamamayan, ang pasko ay para makapiling ang buong pamilya at magkaroon ng kasiyahan na sama-sama. panahon ng pagbibigayan at pagpapatawad. Panahon para ipagdiwang ang kapanganakan at pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan.

Sa kabilang banda, may mga naniniwala na ang pasko ay hindi dapat maihiwalay sa usaping ekonomiya at politika.

PASKO AY ISANG MALAKING NEGOSYO AT TUBO AT HIGIT NA PAGSASAMANTALA SA MANGGAGAWA

Tuwing darating ang pasko isang beses bawat taon, ang mga manggagawa ay nakatali sa kanilang mga trabaho. Maliban sa dadag na kita sa maliit na sweldo, higit na hiningi ng pangangailangan para mas-maramihang produksyon para tustusan ang pangangailangan ng negosyo na magkaroon ng sapat na produktong nais pagka-gastusan ng mamamayan sa araw ng Pasko.

 

Alam ng negosyo na ang mga manggagawa ay may maliit na pabuyang bunos na inilalaan na pang-bili ng kanilang nais bilhin para sa kanilang sarili at pamilya tuwing panahon ng pasko.

Dahil tuwing pasko lamang nagkakaroon ang mamamayan ng kahit papaano ay mas-malaking salapi, kumpara sa pangkaraniwang araw, may hanapbuhay man o wala.

Pagkatapos ng pasko at paglipas ng isang araw na magarbong pamumuhay dahil sa pasko, ang manggagawa at ang mamamayan ay babalik sa kanilang normal na pamumuhay ang kakulangan ng sapat na pananalapi para mabuhay ng may kaayusan.

HIGIT NA MALIGAYA AT MASAYA ANG DAMBUHALANG NEGOSYANTE SA PANAHON NG KAPASKUHAN

Ang higit na maligaya at masaya pagkatapos ng kapaskuhan ay ang malalaking negosyo. Sa panahong ito ay lumulubo ang kanilang benta at tubo.

Hindi totoo na ang kapaskuhan ay araw ng pamilya para magsama-sama at maging masaya. Bagkus, ang kapaskuhan ay panahon na ang mga manggagawa ay nakatali sa maramihang produksyon ng kumpanya upang sa ganun maraming produktong maibenta sa mamamayan na naniniwala na ang pasko ay panahon para magkaroon ng mga bagong kagamitan, bumili ng pang-regalo at kung anu-anupang pagkaka-gastusan.

Isang beses sa loob ng isang taon na makaranas na ang pakiramdam ay may kaginhawahan sa buhay.

Maraming manggagawa, kahit sa mismong araw ng pasko ay nadoon sa kanilang mga trabaho lalo na kung ang negosyo ay nakatoon sa serbisyo. Ang lahat ng ito ay tubo sa kaligayahan ng mga kapitalista.

ANG KAPASKUHAN AY ISANG PALAMUTING PLASTIC SA BUONG ISANG TAONG PAMUMUHAY NG MAMAMAYAN

Kung uunawain mabuti, ang kapaskuhan sa buhay ng pangkaraniwang-tao ay isang pagkukunwaring kaginhawahan sa loob ng isang araw o isang linggo dahil sa hungkag na diwa ng pasko.

Ang katotohanan bagama’t pakiramdam ng tao ay umayos ang kanilang pamumuhay sa loob ng isang araw, ang natitirang buong taon ay pawang kawalan ng maayos na pamumuhay sa kakulangan ng maaayos na pagkakakitaan. Sa mga may hanapbuhay ay kakulangan ng kanilang kinikita para masuportan ang isang makataong pamumuhay ng isang pamilya.

Isang pagkukunwari na ang kapaskuhan ay araw pagbibigayan, hindi na pagbibigayan ang tunay kahulugan ng kapaskuhan, dahil ang katotohanan ang kapaskuhan ay isang panahon na ang mga tao ay makatangap ng pakinabang.

Katunayan, marami ang sumasama ang kalooban kung wala silang natanggap na regalo sa panahon ng pasko.

 

HINDI PAGDIRIWANG SA KAPANGANAKAN NI KRISTO ANG DIWA NG PASKO

Ang kapaskuhan ay hudyat at pagkakataon para sa materyal na kagustuhan ng mga tao. Ang kapaskuhan ay hindi para kay kristo at sa kanyang kapanganakan.

Mismo ang pagtungo sa mga simbang gabi ay hindi na tungkol kay kristo, ang lahat ng ito ay pagkukunwari. Pakitang tao para bigyang katuwiran na ang pasko ay para kay Kristo.

Ang simbang gabi ay pag-display ng mga bagong kasuotan, lugar kungsaan pweding makita ang kanilang mga kakilala na hindi nakikita sa pangkaraniwang araw. Pagpapakita na sila ay mabuti at maka-Diyos na nilalang samantalang marami ang gawaing hindi mabuti sa kapwa.

Ang pasko ay hindi na maka-kristo, kundi isang maka-materyal na okasyon at higit sa lahat ang diwa ng pasko ay manipulado ng maka-kapitalistang kaisipan na pinalalaganap ng mga kapitalista.

Walang kwenta at malungkot ang pasko, kung; walang hamon, walang coke sa hapag kainan.

Walang kwenta at malungkot ang pasko, kung; walang bago ang magarang damit na susuotin. Walang bagong sapatos, walang bagong kagamitan sa tahanan. Ang lahat ng ito ay katumbas ng malaking benta at tubo ng mga negosyante.

 

ANG DIWA NG PASKO AY ISANG PANG-EKONOMIYA AT PANG-POLITIKANG OKASYON

Ang pagkakasilang kay Kristo ay pang-ekonimiya at pang-politikang usapin. Kung ating titingnan, si kristo ay isinilang sa isang sabsaban, dahil walang magpatuloy magpatuloy sa kanila. Ito ay naganap dahil ang mga magulang ni Kristo ay isang dukhang mamamayan. Hindi dahil nakatakda at nasusulat, ito ay bunga ng kanilang katayuan sa Lipunan- na isang pobre sa Lipunang ipaghaharian ng iilan.

Kung mahalaga sa mga mamamayan ang pasko, higit na mahalaga sa mga kapitalista ang okasyong ito- ang panahong ito ang panahong nag-aakyat ng malaking tubo sa mga kapitalista.

Walang pakundangan paggastos ang ginagawa ng mga tao tuwing pasko, kahit pa lampas ito sa kanilang kakayanan. Kaya naman ang mamamayan, pagkatapos ng pasko ay balik sa pagiging kapos at kawalan.

Ang kaugalian ng mga tao gumastos tuwing pasko ay malalim na nakatanim sa isipan ng pangkaraniwang mamamayan.

Hindi naisip ng mga tao na ang higit na nakikinabang ay ang mga negosyo sa paglubo ng tubo.

Kung si Kristo ay isinugo para sa kanyang mga anak, bakit ang mga nakikinabang ay yaong mga mayayamang iilan?

Si Kristo mismo ay simbulo ng pagbibigayan at kabutihan sa kapwa, bakit tuwing pasko lamang tayo nagiging mabuting tao?

Kung ang kapitalista ay naniniwala na si kristo ay pagmamalasakit sa kapwa, bakit hindi magawa ng mga kapitalista na bigyan ng nakakabuhay na sahod ang manggagawa?

Ang pasko para sa negosyo at kapitalista ay hindi para sa pagmamalasakit sa kapwa tao. Ang pasko para sa kapitalista ay dagdag na pandarambong sa lakas paggawa ng Manggagawa para magkamal ng dambuhalang tubo sa kanilang mga negosyo.

Kapansin-pansin kulang ang pasko ang isang pamilya kung wala silang produktong likha ng malalaking negosyo.

Hindi kumpleto ang pasko kung walang Coke sa hapag kainan sa Nuche Buena. Kulang ang pasko kung walang hamon sa hapag kainan tuwing pasko.

Malungkot ang pasko kung walang bagong Nike at/o Adidas na sapatos at mga branded na kagamitan sa loob ng bahay at pamilya.
Kung ganun ang pasko ay pang-ekonomiya at pang-politikang usapan. Sa susunod at mga susunod na pasko ay gawing pang-lipunang usapin ang tunay na diwa ng pasko.###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s