PANANAIG NG MINORITY LABAN SA MAJORITY

Pamahalaan Aquino, panig sa anarkiya at mob rule

Sablay na naman ang Pamahalaan sa pakikitungo sa INC, sa malamyang paninindigan, muling ipinagpalit ni Pangulong Noynoy Aquino (P-Noy) ang kapakanan ng nakakarami at maging ang pang-ekonomiyang epekto ng ginawa ng ating mga kapatid.

Binigyan pabor ng pamahalaan ang pagnanais ng minority, laban sa majority. Sa kabilang banda, kumakaway ang buntot nitong si Abalos ng Mandaluyong at Joseph Ejercito Estrada sa pagbibigay luwag sa ginagawang aktibidad ng ating mga kapatid sa INC.

Ang dalawang local executives ay may magkaibang dahilan kaya hinahayaan nilang mamayagpag ang anarkista at mob rule na iwinawagayway ng INC.

Si Abalos ng Mandaluyong ay nagpapa-utang ng loob para naman may masisingil siya sa darating na halalan 2016.

Sa kabilang banda, ang Mayor ng Manila ay may personal na relasyon sa INC kaya dapat asahan ang magandang pakikitungo nito.

Ang pagpapaubaya ni Mayor Erap sa mga INC sa Manila ay isang sampal sa pangbansang pamahalaan. Hahayaan ni Mayor Erap na magkagulo sa Manila, dahil kung hindi ito magagawan ng Pamahalaan ang ituturong may kasalanan at walang kakayanan ay ang pangbansang Liderato na pinamumunuan ni Pangulong Aquino.

Sa pangkalahatan, may SPECIAL TREATMENT ang Gobyerno sa mga kapatid sa INC.###

* * *
Kung sa una, pangalawang araw ang sentro ng pagkondena ng mamamayan ay nakatoon sa inasal ng INC sa EDSA, ito ay naglaho at bumaling na sa pamahalaan.

Ang sentro ng usapin ngayon ay ang kapasidad ng Pamahalaan paano pantay na pikikitunguhan ang mamamayan.

Gapos ang kamay ang pamahalaan sa INC, ang malaking boto ng INC ang tanekala na gumagapos sa Pamahalaan. Kaya naman wala ito ginawa at walang planong gawin. Hahayaan ng pamahalaan kung ano ang nais gawin ng INC sa lansangan. SUSUDIN NG PAMAHALAAN NI AQUINO ANG GUSTO NG INC.

Mas-mabigat at mahalaga para sa pamahalaan ang INC, kaysa sa dulot nitong pinsala sa mamamayan, ekonimiya. Ang lahat ng ito ay para panatlihin ang kanilang hangarin sa malaking boto ng INC.

Kung susumahin at pag-aaralan ang ginawang ito ng INC ay kasing-katumbas ng ECONOMIC SABOTAGE.

Pinaralisa ng INC ang daloy ng ekonomiya, sinasagasaan ang karapatan ng ibang tao, hindi lamang ibang tao, bagkus ginahasa ang karapatan ng majority, at hinayaan ng pamahalaan na yurakan ng Minority ang Majority.

THE MOB RULE AND ANARCHISM PREVAILED IN OUR SOCIETY. Ang lahat ng ito ay dahil lamang sa Boto at halalan 2016. ###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s