Peoples Agenda Election 2016

Ilang buwan na lamang Election na naman. Tulad ng dati nagkakagulo na ang mga politiko, kanya kanyang diskarte para manaig laban sa kapwa.

Sa kabilang banda, ang mamamayan ay kanya-kanya sa pagpili ng kanilang mamanukin. Ano ang naghihintay na kapalaran ng mamamayang Pilipino sa kamay ng kanilang mapipiling politiko na ilalagay sa trono ng pang-aabuso sa kaban at kapakanan ng taong bayan.

Eleksyon sa Pilipinas ay sabong ng pareparehong masalapi, may kapangyarihan at maimpluwensya ang tanging papel ng pangkaraniwang mamamayan ay pumili sa pareparehong walang malasakit sa bayan.

Natanong naba ng mga politiko ang mga botante at mamamayan sa nais mangyari sa bayan at taongbayan ng mismong kanilang “paglilingkoran”?

Langit ang hinabing mga pangako ng mga politiko, pero sa katunayan ang nararanasan ng mamamayan ay impyerno at silang mga halal na politiko ang nagsisilbing SATANAS.

Sino sa mga kandidato sa national at/o sa lokal ang nagtanong sa mga botante, para malaman ano ang gusto ng mamamayan? WALA!

Kaugalian na ng mga Politiko na kunin mona ang inyong boto at saka na lamang pag-usapan ano ang kanilang plano sa pamahalaan.

Bolahan umaatikabo, halik sa sanggol at yakap sa matatanda, makikikain ng nakakamay sa pangkaraniwang mamamayan ang ating makikita sa entablado ng muro-murong palabas ng mga politiko.

Huwag nating hayaan na isalaksak sa atin ang gusto ng mga politiko. Tayo/mamamayan ang magsalaksak ng ating gustong gawin ng mga politiko. Matagal nang panahon pilit na pinatatanggap sa mamamayan ng mga trapo ang kanilang gusto at hindi nais ng mamamayan.

Sa Video ay naghahain ng mga bagay na dapat bigyang pansin ng sinumang nagnanais panahalaan ang bayan at mamamayan. Maaaring ialok sa mga politikong nais kunin ang ating boto.

Pangkaraniwang mamamayan, botante ano ang iyong masasabi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s