Secretary Baldoz, tinangkang pagtakpan ang Kentex Mfg. Corporation

May 13, 2015 sumiklab ang malaking sunog sa pagawaan ng Kentex Manufacturing Corporation at ikinasawi ng 72 manggagawa na matatagpuan sa Barangay Ugong, Valenzuela City.

interphoto_1371359750
Department of Labor and Employment, Secretary Rosalinda Baldoz

Walang kaabog-abog ay taas noo at taas ang kilay, Mayo 14, 2015 ang Secretary of Labor and Employment na si Rosalinda Baldoz ay kaagad-agad nagpahayag na ang nasunog na Kentex Manufacturing Corporation ay compliant sa labor and safety standards.

“Kentex Manufacturing Corporation has been found to be compliant with general labor standards and occupational safety and health standards after a joint assessment by our Labor Laws Compliance Officers under the new Labor Laws Compliance System. The DOLE-NCR issued the company a Certificate of Compliance on 18 September 2014. It has a safety committee, with a union member representative, that implements safety rules and regulations.

Also, the DOLE-NCR has conducted a technical inspection of the company on 30 January 2014, during which the factory’s boilers used for heating have been found to be in satisfactory condition”.

Kung hindi nalathala sa dyaryo, ipinakita sa telebisyon at pinag-usapan sa radyo ang pangyayari, kasamang naabo sa sunog ang pahayag ng Kalihim ng Paggawa.

Kung hindi nagpahayag ang iba-ibang Samahan ng Manggagawa at kung hindi pinag-usapan ng mga tao ang pangyayari tiyak panghahawakan na ng Kalihim ang kanyang unang pahayag na kasinungalingan. At lalabas na malinis at walang pananagutan ang Kumpanya.

Kinabukasan, marahil ang Kalihim ng paggawa ay naalimpungatan sa kanyang pagkakadilat sa katotohanan. Muli ay nagpahayag ng walang kaabog-abog, binawi ang kanyang naunang pahayag at sinabing; “ hindi lamang illegal ang Kentex, bagkus immoral”.

Hindi siguro pinatulog ang Kalihim sa kanyang pagsisinungaling sa unang pahayag kaya bigla na lamang nagbago ang ihip ng hangin. Sa kanyang unang pahayag ay agad-agad gustong pagtakpan ang pagkukulang ng Kentex sa hindi natin alam kung bakit?

Napag-isipisip marahil ng Kalihim na siya ang maiipit sa sinapit ng mga manggagawa, kaya kailangan iligtas niya ang kanyang sarili at ang ahensyang kanyang pinamamahalaan.

Kaya naman sa kanyan pangalawang pahayag, matigas ang mga binitawang pananalita “illegal at immoral”. Ang matigas na pahayag ay naglalayon na matabunan ang kanyang unang sinabi na nililinis ang pananagutan ng kumpanya.

Naramdaman, marahil ng Kalihim na hindi na mapagtatakpan ang kumpanya, kailangan iligtas ang sarili sa mabigat na pananagutan, kaya agad bumaliktad ang Kalihim.

Sa bandang huli, ang Kalihim ang nagpopursige na panagutin ang may ari ng Kentex Mfg. Corporation, na tila wala siyang pananagutan at ang kanyang ahensya.

Nais palabasin ng Kalihim na siya ang Superhero ng mga Manggagawa. Kaya naman nagpatawag ng mandatory Conference ang nasabing ahensya kasama sa pinatawag ang CJC Manpower Services at Kentex Mfg. Corporation.

Paanong mapapanagot ni Rosalinda Baldoz at ng DOLE ang Kentex Mfg. Corporation, kung ang mismong ang Kalihim at ang DOLE at ang Kumpanya ay parehong may mabigat na pananagutan sa mga Biktima ng sunog?

Walang moral at immoral ang Department of Labor and Employment at ang Kalihim ng Paggawa na si Rosalinda Baldoz kung sila mismo ay may mabigat na pananagutan bunga ng kanilang kapabayaan.

Mas-katanggap-tanggap, kung ang Kalihim ng Paggawa ay ALISIN, kasama ang lahat ng mga Regional Directors ng DOLE, dahil sa kanilang pag-abandona sa kanilang mga tungkulin na ipatupad ang mga umiiral na batas sa paggawa.

“ALISIN, ROSALINDA BALDOZ AT LAHAT NG REGIONAL DIRECTORS NG DOLE”

“REPASOHIN ANG LAHAT NG BATAS SA PAGGAWA, NA MAY KINATAWAN NG MANGGAGAWA”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s