Trahedya sa Kentex, bunga ng sablay at palpak na pagpapatupad ng Batas

Lumabas sa mga balita na ang Kentex Manufacturing Corporation ay sangkot sa illegal sub-contractor at sangkot sa pakikipag-transaksyon sa tinatawag na labor only contracting (labor supplier).

Kungsaan ang ganitong kalakaran ay ipinagbabawal ng batas. Ang nasabing Labor Only Contracting at/o taga-suplay ng manggagawa ay ang CJC Manpower Services na may tanggapan sa 2nd Floor Rural Bank Building, McArthur Hi-way, Calvarion, Meycauayan, Bulacan, ayon sa kanila facebook page.

cgi

Bulag ang Department of Labor and Employment sa totoong kalagayan ng mga manggagawa sa mga pagawaan. Bagaba’t nakadilat ang kanilang mga mata, wala silang nakikita kahit ang enforcement agencies and offices ng DOLE dahil ang mismong mga tauhan ng DOLE ay nako- corrupt ng mga kumpanya.

Kaagad ay nagpahayag ang DOLE na; “Kentex Manufacturing Corporation has been found to be compliant with general labor standards and occupational safety and health standards after a joint assessment by our Labor Laws Compliance Officers under the new Labor Laws Compliance System”, ayon sa pahayag ni Labor Secretary Baldoz (http://www.gov.ph/2015/05/14/statement-labor-secretary-baldoz-on-the-kentex-manufacturing-fire-incident/)

Panibagong pahayag ng DOLE Secretary na kabaliktaran ng naunang pahayag; The company has engaged, and is engaging, the services of an illegal sub-contractor, a violation of the Labor Code, and therefore, it is responsible for the sub-contractor’s workers,” Baldoz said (http://www.dole.gov.ph/news/view/2816)

Department Order 18-A, Series of 2011, kung legal ang sub-contractor ang pananagutan ay “jointly and severally”. Sa sitwasyon ng CJC Manpower Services ay sangkot sa pagiging taga- supply ng manggagawa, kung ganun ang pananagutan ay nasa prinsipal na employer. Marami at laganap ang sangkot sa labor only contracting at/o taga- supply lamang ng manggagawa na dagdag na pagsasamantala sa manggagawa.

Dahil sa trahedyang bunga ng kapabayaan ng pamahalaan, kapitalista kasabwat ang mga dagdag na pahirap sa manggagawa na mga agencies, marahil ay marapat na muling pag-aralan ang mga umiiral na mga batas sa paggawa.

Mahigpit ang pangangailangan para sa isang Senate Investigation in Aid of Legislation sa pangunguna ng Senate Committee on Labor, Employment & Human Resources Development. ###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s