HINDI SI MAYWEATHER ANG PANALO, HINDI SI PACQUIOA ANG NATALO

Kung hindi Mayweather ang nanalo at hindi naman si Pacquioa ang natalo, sino ang tunay na nagwagi sa laban ng dalawa?

Taong LaruanBOKSING AY ISANG MALAKING NEGOSYO

Ang boksing ay isang malaking negosyo. Ang laban ni Mayweather at Pacquioa ay isang malaking negosyo na matagal na hinubog at inihulma sa kaisipan ng mga tao sa pamamagitan ng mass media para matiyak ng malaking tubo ng mga kapitalista.

Negosyo! Na ang pangunahing kasangkapan para likhain ang malaking tubo ay ang tao mismo. Tulad ng isang sabong, ang dalawang manok ay pinag-aaway at matira ang matibay.

Sa boksing ay dalawang tao ang nagsasagupaan at ang isa ang dapat manalo, ayon sa patakaran na gumagabay dito. Ito ay isang laro ng mga may-pera at sila ang pangunahing tagapagtaguyod nito.

Ang pangkaraniwang mamamayan ay pawang taga-usyoso, tagahiyaw at tagapalakpak at dumarating sa punto na ang pangkaraniwang tagapanood ay siyang nagdadala ng pighati sa pagkatalong sinapit ng kanilang idolo.

Ang manlalaro at nakikipag-basagan ng mukha sa arena ay parehong wagi/panalo pagdating sa salapi. Matalo at manalo ayon sa patakaran ng boksing, tiyak na ang kanilang kabayaran. Buhay ang puhunan ng sinumang manlalaro ng boksing, kaya naman bago pa sila magsagupa sa arena tinitiyak na kung sakaling hindi sila palaring mabuhay ay meron na silang kabayaran na maiiwan sa kanilang mahal sa buhay.

Boksing at ang manlalaro ng boksing ay isang propesyon. Propesyon na binabayaran at may namumuhunan. Kung may namumuhunan, tiyak may tubo ang puhunan. Hindi simpleng tubo, bagkus ay napakalaking at dambuhalang tubo.

ANG BOKSING AY WALANG PINAG-IBA SA RIOT NG MGA LUMPIN SA KALYE

Basagan ng mukha sa kalsada, tawag natin ay riot.

Ang mga riot sa kalye ay patibayan ng katawan, matira ang matibay ang tanging gantimpala ay ang kaligayahan ng nangibabaw sa sakitan/bugbugan ng katawan.

Kaligayahan ng mga lumpin na mapasuko ang katunggali. Walang premyo, walang belt at/o titulo na pinaglalabanan ang tanging kunswelo,  sila ang kinatatakutan sa kanilang lugar.

Basagan ng mukha sa magarang lugar, tawag natin ay boksing.

Ang Boksing ay kapareho din lamang ng riot ng mga lumpin. Para maging katangap-tanggap sa sibilisasyon ng tao ginawan ito ng mga patakaran at limitasyon/regulasyon at marangyang lugar ng gulpihan.

Hindi na ginagawa sa mga panulukan ng mga kalye ang boksing. Ang riot na tinawag nating boksing ay inilagay sa maayos at/o marangyang lugar kungsaan ang magkatungali ay nagbubugbugan at nagsasakitan.

Pipilitin nangibabaw sa katunggali at ipakita na siya ang malakas. Hindi para katakutan, kundi para tumanggap ng kabayarang salapi at/o sweldo sa kanilang ilang minutong pagta-trabaho. Prestiyo at kasikatan ng nagwagi ay dagdag na insentibo.

Sa Pilipinas mas-malaking bunos kung maiboto sa pwesto sa gobyerno.

HINDI SI FLOYD MAYWEATHER ANG TUNAY NA WAGI LABAN KAY PACQUIOA

Boksing ay isang negosyo at isang hanapbuhay. Floyd Mayweather at Manny Pacquioa at lahat ng mga boksengiro ay taong laruan (HUMAN TOYS) ng mga elitista sa Kapitalistang Sistemang umiiral.

Hindi pa nagsisimula ang laban parehong panalo na ang dalawang laruan sa kwadradong arena. Si Mayweather ay may garanteyang sahod sa trabahong kanyang gagampanan sa ibabaw ng ring at ganun din si Manny Pacquiao. Parehong sila ay may napakalaking sahod na tatanggapin at meron din insentibo sa perang hahakutin ng kanilang laban sa Las Vegas.

Walang talo si Mayweather at sa kabilang banda naman si Pacquiao, kaylanman ay hindi natalo. Kapareho din ng iba pang boksingerong laruan at kasangkapan para lumikha ng malaking tubo para sa mga kapitalista.

SINO ANG TUNAY NA NANALO SA GULPIHAN/BUGBUGAN NG DALAWANG LARUAN (BOKSENGIRO)

Las Vegas at ekonomiya nito ang tunay na wagi sa laban at suntukan ni Mayweather at Pacquioa. Sa katunayan;

Tickets for the Floyd Mayweather-Manny Pacquiao fight were in high demand and became extremely expensive on the secondary market. – businessinsider.com

Estimates, total revenues from the fight between $300 million and $400 million.—dailynews.com

Closed circuit television are some of the cheapest seats in viewing were more than $600. A $1,600-a-night room tab at MGM and almost all seats are allocated to high rollers, VIPs, sponsors and celebrities.

Estimates over 97 percent of Las Vegas’ more than 150,000 hotel rooms will be occupy this weekend. Las Vegas Convention and Visitors Authority is predicting that the city will benefit with an economic impact of as much as $300 million. Add ticket sales, PPV, increased hotel-room rates and nightclub parties, and the total take could hit $1 billion.— lasvegassun.com

Actor Mark Wahlberg and music mogul P. Diddy will open the giant $99 HD Pay-Per-View broadcast (if 3 million to 4 million homes worldwide subscribe, it’s easy to see that would generate $300 million alone). —lasvegassun.com

There were around 11,500 people that showed up for the official weigh in, and for the first time people paid $10 to see it happen.– wthitv.com

Tickets on the secondary market are not Cheap, StubHub showed a ringside seat can cost much as $234,000.

Private Jets at Las Vegas airport!!! Wing to wing- airport closed now to private planes— source: twitter.com

The research estimate that each fight fan will spend $645 in non-gambling money.

Ilan lamang ang mga nakatala sa itaas ang nagpapatunay na ang Boxing ay isang negosyo at ang tunay na panalo ay hindi ang dalawang human toys ng kapitalistang Sistema, kundi ang mismong mga kapitalista at elitista ng Lipunan. ###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s