PnP, AFP rank-and-file, sahurang manggagawa ng Gobyerno

Protesters march near the riot policePebrero 25, 2015- Ika-29 na taon ng paggunita sa EDSA Revolution na nagpa-alis sa diktadora ni Marcos. Umapaw ang bilang ng mga Pulis sa lugar kung saan naganap ang pag-aalsa ng taong bayan.

Halos isang buwan pagkatapos ng Mamasapano Incident na nagresulta ng pagkasawi  #SAF44Moro18IisangUri at mga sibilyan. Pagkasawi na ipinagdalamhati ng Sambayanan ang kanilang sinapit. Ang hanay ng mga Pulis (PnP) na ito din ang buong giting at katapatan na sumusunod na kailangan ipagtanggol ang estado. Estado na siya mismong may kapabayaan kaya merong #SAF44Moro18IisangUri.

Malinaw ang rason ng mga Pulis. Sahod ang kanilang pinaka-rason, kung hindi sila susunod ay manganganip ang kanilang hanap-buhay. Kung hindi nila itataya ang kanilang buhay sa mga labanang gyera na ginagawa ng pamahalaan.

Sila din ang mga Pulis na humahadlang sa malayang pamamahayag ng mamamayan. Mamamayan na kasama nilang humuhingi ng katarungan sa mga kasamahan nilang napaslang  sa Mamasapano incident. Mamamayan na kanilang kakampi sa hindi maayos na pagtrato sa kanila ng pamahalaan- o kanilang employer. Pulis na ipinagtatanggol ng mamamayan, ang mismong gumagapi at humahadlang para ipaglaban ang karapatan ng buong sambayanan (kasama ang Pulis at Sundalo).

Ang AFP, PnP rank-and-file ay mga pangkaraniwang Pilipino na nasa pagsu-sundalo at pagpu-pulis dahil ito ang kanilang hanapbuhay, sahod ang kanilang motibasyon sa kanilang paggampan ng kanilang tungkulin.

Ang pangkaraniwang Sundalo at Pulis ay pangkaraniwang sinanay, binihisan, inarmasan para gamitin para sunod-sunuran sa kanilang amo at sa kanila ay nagpapasahod. Ginawa silang makinaryang pandigma laban sa mamamayan.

Ayon sa pahayag ng isang Pulis…

Dapat na talagang palitan si President Pnoy. Pero huwag nalang. Huwag na mag-kudeta. Kaya naman ayaw namin ng kudeta dahil madi- delay na naman ang aming mga sahod mga lima hangang anim na buwan na naman bago kami maka-sweldo

Walang ibang mas-kakampi ang pangkaraniwang Pulis at Sundalo kundi ang Mamamayan.

Manipulado ng pamahalaan ang sundalo at pulis dahil sa Sahod. Pinag-aaway ng Burgesya ang mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pamahalaan na inaakala natin na tunay na pamahalaan ng Sambayanan. Na isang malaking pag-aakala. ###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s