MANGGAGAWA MANGAHAS IGUHIT ANG SARILING LABAN- ALTERNATIBO NG MAMAMAYAN

Sinuman ang nagtutulak ng power change sa  kasalukuyan pamahalaan ang mga pangunahing aktors ay ang mga oligarch na outside the kulambo sa administrasyon ni Pnoy at yaong nais manatili sa kapangyarihan para proteksyonan ang sariling interes at mga kapanalig sa naghaharing uri.

manggagawa

Puhunan ng mga taong nais alisin si Pnoy sa Malakanyang ay ang marami nitong (Pnoy) pagkukulang at sablay na pamamahala. Ilan dito ay ang nabunyag na bayaran sa mga senador para mapatalsik ang dating punong mahistrado na si Renato Corona, sinundan ito ng anomalya sa DAP na nagresulta ng Million Peoples March sa Luneta at ang pinakahuli ay ang Mamasapano Incident na pumatay sa ‪#‎SAF44Moro18IisangUri‬, sibilyan at pamilyang apektado ng insidente. Nagpakulo sa damdamin ng mga Pilipino ang pinaka-huling kaganapan.

Tunggalian ng parehong Burges/oligarkiya

May grupo na nagtutulak para alisin ang Pangulong Pnoy sa pwesto labas sa proseso ng batas. Ito ay ang grupo ng kamag-anak ni Pnoy na si Jose ‘Peping’ Cojuangco Jr. at ang kanyang mga kaalyado. Ang grupong ito ng mga burges ay bahagi ng naghaharing uri na hindi nakinabang sa panunungkulan ni Pnoy. Kaya naman nagpupursige sila na pabagsakin ang administrasyon Pnoy, upang sa ganun ay sila naman ang makinabang sa susunod na administrasyon.

Binay kinatawan ng interes Burgesya

Ang isang grupo ay panig ng Bise-presidente Binay na batbat ang anomalyang lumalantad sa pamamagitan ng mga kakampi ni Pangulong Pnoy. Sa ngalan ng “in aid of legislation” sandamakmak na imbestigasyon ang ginagawa sa Senado. Sa pangunguna ni Senator traillanes at Senator Cayetano- na pawang may ambisyon sa 2016 na eleksyon. Sa ginaganap na senate hearing nagagawang sirain si Binay bilang pangunahing kalaban ng administration candidate sa 2016. Habang nagagamit ng dalawang senador ang nasabing hearing para ipromote (exposure/name recall) ang kanilang mga sarili.

Ang paghahangad ni Binay na maka-pwesto sa Malakanyang sa pamamagitan ng halalan ay tulak ng kanyang bergesyang interes. Walang ibang interes na kinakatawan ang Bise-presidente kung ang interes ng naghaharing uri at lalo na ang interes ng naglalakihang kapital. Kung anuman ang mangyari bago ang halalan 2016 ang lahat ng grupong ito ay magsasama at magtutulungan.

Ang grupo ni Binay ay nagnanais hawakan ang renda ng pamahalaan at ang grupo naman ni Peping Cojuangco ay tiyakin na makinabang ang grupo nila sa susunod na administrasyon. Hindi mahirap magkasundo kailangan lamang maghatian ng pakinabang.

From within or Junta ng nakapwestong burges/Oligarkiya

Kung ma-presure ang malakanyang na palitan si Pnoy, susubukan ng kasalukuyang adminsitrasyon na ang papalit kay Pnoy ay magpapatuloy na kanlungin ang kasalukuyang kaalyadong burges/oligarkiya para sa patuloy na pagtatamasa ng pakinabang sa kasalukuyang kaayusan. Ang maaaring gawin ng kasalukuyang administrasyon ay magpwesto ng from within at magkaroon ng isang Junta. Away ng nagbabanggaang burges at oligarkiya ang nagaganap. Sinumang sa kanila ang magtagumpay, hindi kasali ang mamamayan/anakpawis, Manggagawa. Kungganun, walang maaasahang pagbabago ang taong bayan.

Manggagawa at mamamayan kailangan tumaya para may mapala:

Kung anu’t-anuman marapat na gumitna ang mamamayan sa pangunguna ng manggagawa sa nagbabanggaang pwesa ng mga burges. Hindi dapat nanonood lamang ang mamamayan sa sarsuela ng mga burges. Kailangan likhain ng Manggagawa ang sitwasyon na magdadala sa poder ng kapangyarihan, kasama ang mamamayan. Kahit sino sa mga nabanggit walang maaasahan ng taong bayan. Bigyan ang mamamayan ng alternatibong pamimilian. Walang maaasahang pagbabago ang mamamayan, kung walang gagawin ang Manggagawa. Kung makapagpamalas ng lakas o pwersa ang manggagawa kasama ang mamamayan.

“HUWAG MAGPABIHAG SA PAKANA NG NAGHAHARING URI”

“PANGHAWAKAN ANG SARILING LAKAS, BAGUHIN ANG KAPALARAN”

“PNOY PATALSIKIN, JUNTA LABANAN”

“ROXAS ITAKWIL, BINAY IBASURA”

“MANGGAGAWA MANGAHAS HAWAKAN ANG KAPANGYARIHANG PANG-POLITIKA”


Sa maximum:
Panghawakan ang renda ng pamamahala at simulang ilatag ang pundasyon para panlipunang pagbabago. Sa minimun, makakuha ng kunsisyon: 1. Pagbabago ng Batas Paggawa at Itigil ang sistema ng kontraktualisasyon; 2. Kunin ng Manggagawa ang kontrol at pamamahala sa public utilities, Public Transport (MRT/LRT), Power distribution (Meralco), Water Distribution (Maynilad, Manila Water).

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s