Ika-151 taong kaarawan ni Andres Bonifacio ipinagdiwang

Marikina City, Nobyembre 30, 2914- Inalala ang ika-151 na kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio sa Marikina City. Mahigit 50 taga Marikina ang nagtipon-tipon sa panulukan ng Sumulong High Way at Shoe Ave., (singing bells) ganap na ika-7 ng Umaga at nagsagawa ng maikling programa.

10805682_738433312871294_4426626404220067367_n

Tinalakay ng tagapag-salita ang napaka-halagang papel na ginampanan ng ama ng himagsikang Pilipino laban sa kolonyalistang Kastila. Inilinaw din, si Gat. Andres Bonifacio ang Unang Pangulo ng Pilipinas at hindi si Aguinaldo.

Inilahad ng grupo ang kanilang pagtutol sa emergency power na ipinagkaloob ng Kongresso kay Pangulong  Aquino III para resulbahin ang, walang katotohanan kakulangan ng kuryerte sa susunod na taon. Ayon sa kanila, ang emergency power ni Pangulong Aquino ay para sa kapakinabangan lamang ng naglalakihang negosyanteng Pilipino na nagpapaligsahan na manguna sa 50 pinakamayaman  sa Bansa. Kailangan ay paunlarin ang renewable energy para makatulong sa hindi paglala ng climate change, dagdag pa ng grupo.

Idiniin sa talumpati na kung may makabagong Katipinero ay walang iba, kundi ang mga taong nagnanais na baguhin ang sistemang umiiral na sanhi na dekadang paghihirap ng mga Pilipino. Maraming nagpapanggap na sila ang nagpapatuloy ng hindi natapos na rebolusyon ng Katipunero, subali’t sila ang mga nagnanais na panatlihin ang kalalukuyang sistema para sa kapakinabangan ng iilang burges at ilitista ng Bansa.

Ang pagtitipon ay pinangunayan ng Nagkakaisang Sosyalista na nilahukan ng iba-ibang sektor, mula sa mga kuminidad, manggagawa, kababaihan at kabataan.

Pagkatapos ng programa ang nasabing grupo ay tumulak patungo sa Maynila para sumama sa mas-malaking grupo na ipinagdiriwang din ang 151 kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio. ###

More Images click here

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s