► LYCA GAIRANOD made it- The Voice Kids Grand Champion

Walang maaasahan sa Pamahalaan

 

Wala akong simpatya sa mga reality show sa Television. Sa katunayan, pinupuna ko ang mga ito. Dahil sa aking paniniwala ginagamit lamang ng mga Television ang galing at husay ng mga sumasali para sa malaking tubo na kikitain ng mga TV Stations.

Pinipili ko lamang ang aking mga pinapanood na palabas sa Television, isa dito ang isang teleserye na “Ikaw Lamang” na ang nilalaman ay halos katulad ng tunay na nagaganap sa ating pamahalaan, at syempre mga balita.

Nitong huli, napansin ko ang isang reality show na pinapanood ng aking pamilya. The Voice Kids nagkataon na isang batang babae ang umaawit. Ang kanyang hitsura ay isang tipikal na pangkaraniwang bata na nakikita ko sa mga kalye.

Ang pangalan niya ay LYCA, ayon sa aking bunsong anak na babae. Binanggit sa akin ang pinanggalingan ni LYCA ang kanyang pamilya at ang kanilang pamumuhay.

Hindi ako mahilig sa awitin at lalo naman walang hilig sa akin ang mga kanta. Ang katotohanan, hindi ako marunong umawit, kahit Pambansang Awit ng pilipinas ay hindi ko kayang awitin.

Ang hilig ko ay ang usaping panglipunan, usaping politika, tunay na kalagayan ng bayan. Kahirapan na dinaranas ng mamamayan, hilig ko pag-usapan at panoorin sa TV ay ang usapin ng curruption, PDAF, DAP at iba pa.

Pero sa pagkakataong ito, napabilang sa aking kinahiligan at sinubaybayan ang The Voice Kids. Hindi dahil gusto ko ang reality show na ito. Pinapanood ko ito dahil kay LYCA lalo na nang malaman ko ang kanilang kalagayan sa buhay.

Sa kanyang pag-awit hindi ang ganda ng boses at tono ng pag-awit ang akin nasa isip. Kundi ang mensahe ng kanyang awitin, nakikita ko sa likod ng kanyang awitin ang realidad ng kanilang katayuan sa pamumuhay.

Dalawang araw bago ang Finals ng The Voice Kids, nag post ako sa facebook, na kasabay at mainit na pinag-uusapan ang padating na SONA, PDAF at DAP.

lyca
“Hindi ako marunong kumanta, spelling nga hindi ko alam- kanta pa. Kasabay nito mainit ang pagsubaybay ng taong bayan sa The Voice Kids. For whatever reason. I campaign to VOTE LYCA and Impeach President Pnoy. Go gO for LYCA. Good bye Pnoy. Thank you!”

Sa likod ng kawalan ng pag-asa na makaahon ang mamamayan sa ilalim ng pamamahala at administrasyon ng Pangulong Benigno Aquino III. Isang pamilya ang nalamapasan ang kawalan ng pag-asang ito. Dulot ng malaganap ng kurapsyon at masalimuot na usapin sa DAP at PDAF sa pamahalaan.

Isang pamilya ang nabigyan ng pag-asa sa pamamagitan ng The Voice Kids.

Sa ganang akin hindi mahalaga na magaling siyang kumanta o Hindi. Ang mahalaga ay manalo at nabigyan ng pagkakataon na makaroon ng maayos na pamumuhay ang pamilya ni LYCA.

LYCA is just 9 years old, from Cavite. Her father is a fisherman and her mother Maria Nessel, helps by scavenging what she can from trash cans, sometimes with Lyca’s assistance.

I Shared My Tears for LYCAS’ Victory… 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s