Labor Day working class struggle (2014)

Huwag kalimutan ang ating kasaysayan ito ay ating yaman at gabay sa ating patutunguhan

Labor Day working class struggle (2014)

Sa maagang yugto ng sibilisasyon. Ang konsentrasyon ng kayamanan ay nasakamay ng iilang tao lamang at ginamit ang kanilang yaman para sa puhunan. Ang mekanisasyon sa produksyon, kungsaan ang mga produkto ay dumadaan sa proseso na gamit ang mga makina sa panahong iyon. Ang manggagawa ay siyang direktang kahalubilo ng mga makina.

Ang manggagawa ay pumapasok sa kanilang trabaho batay sa pagsikat ng araw at sa paglubog ng araw ang kanilang pag-uwi kapalit ang maliit na sahod. Umaabot ang kanilang pagtatrabaho ng labingapat hanggang labinganim oras sa paggawaan.

Sa kalikasan ng tao, namulat at natuklasan nila ang matinding abuso sa mga manggagawa. Mahabang oras ng paggawa at hindi maaayos na kalagayan/kondisyon sa pagawaan. Kondisyong nagtulak sa manggagawa na magreklamo at nagsimulang lumaban sa abuso ng may kapital.

Sa huling yugto ng ika-19 na siglo, ang manggagawa ay patuloy na nakibaka para paikliin sa 8 oras na paggawa sa isang araw. Dahil sa hindi maayos na kondisyon ng lugar paggawa maraming manggagawa ang namamatay sa aksidente at pagkakasakit dulot ng hindi makataong kondisyon ng mga pagawaan. Ang mga pagawaan sa panahong iyon ay itinuturing na “kagubatan sa lunsod (maraming panganib na pweding mangyari anumang oras) at imyernong bakal.

Noong 1860, ang mga manggagawa ay tumaas ang pagnanasa na magkaroon ng maikling oras sa paggawa ng walang bawas sa kanilang sahod at pagkakaroon ng makataong kondisyon sa lugar ng pagawaan.

1880 ang mga manggagawa ay nag-organisa at nagkaroon ng sapat na lakas para lalong palakasin ang kanilang pakikibaka sa pagkakaroon ng walong (8) oras na trabaho ng walang bawas sa kanilang sahod.

Taong 1884 in Chincago National Convention, ang Federation of Organized Trades and Labor Unions (now American Federation of Labor) ay pinagtibay na ang “Mayo 1, 1886 ay isang legal na araw sa 8 oras ng paggawa”. Ilang grupo, kung tawagin ay anarchist ay itinuring itong isang repormista hakbang at kabiguan sa isagawa ang malawakang protesta at welga laban sa ugat ng kasamaan. Dahil sa pananaw na “Kahit pa ang tao ay magtrabaho ng 8 o 10 oras bawat araw, siya ay nanatiling alipin”.

Bagama’t may salungatan sa paninindigan sa 8 oras paggawa, ito ay direktang nilahukan ng daanlibong mangggawa sa chicago para ipatupad ito. Paparami ng paparami ang napapakilos na manggagawa laban sa mga kapitalista. Ang dating tumututol sa 8 oras na paggawa ay umayon sa malakas na daluyong ng manggagawa sa umaayon sa pagpapaikli sa oras ng trabaho ng walang bawas sa sweldo. Napagtanto at kinilala ng mga anarchist na ang laban sa 8 oras na paggagawa ang itinakdang laban ng mga manggagawa.

Dahil sa bagong kamulatang panlipunan na lumaganap sa panahon iyon at sa mga nag-aapoy na talumpati at pagpapahayag ng katotohang nagaganap ng mga anarchist. Tumaas ang kamulatan ng mga manggagawa sa pagkakaroon ng isang mas mataas na panlipunang pagbabago lampas sa pinaikling oras ng pagtatrabaho kundi pagbabago sa mga pang-ekonomiyang kaayusan ng sistemang kapital.

Bago ang May 1, 1886 ay isang sulatin ang lumabas na nagpapahayg ng mag sumusunod;

  • Manggagawa mag-armas
  • Digmaan sa palasyo, kapayapaan sa mga pagawaan, at kamatayan sa maluluhong tamad
  • Ang sistemang sahoran ang tanging dahilan ng pagdurusa ng buong mundo na sinusuportahan ng sangay ng mayayaman para wasakin. Sila dapat ay magtrabaho o mamatay
  • Mas-mahusay ang kalahating kilo ng dilamita, kaysa isang basket ng balota
  • Ipaglaban ang 8 oras ng paggawa na may armas ang mga kamay na tamang panapat sa kapitalista, pulisya at alipuris nito

Ang buong syudad ng Chicago ay handa na sa malawakang pagbubuwis ng kanilang buhay. Nagpapaalaala ang karanasan ng welga ng manggagawa sa riles, kungsaan daan daan sa kanila ang pinababaril at pinatay ng mga pulis at mga sundalo.

May 1, 1886 mahigit 300,000 na manggagawa mula sa 13,000 mga negosyo sa buong amerika ang nagsipagtigil sa kanilang mga trabaho sa unang pagdiriwang Mayo Uno sa kasaysayan. Parada ng mga na banda at libu-libong mga demonstrators sa mga lansangan ang nagpakita lakas at pagkakaisa ng manggagawa at walang karahasan na naganap.

Sa Chicago, ang sentrong lunsaran ng pakikibaka sa 8 oras na paggawa. 40,000 ang nagsagawa ng welga saksi ang mamamayan. Dahil sa nagbabagang talumpati at paglalahad pananaw sa kaganapan tungo sa pagbabago kinilala at tinangap ng mga manggagawa ang pamumuno anarchist at kinamuhian ng mga kapitalista.

May 3, 1886 ang kapayapaan sa protesta ay binasag ng karahasan at sagupaan sa pagitan ng mga nagwi-welga at mga police sa McCormick Reaper Works sa pagitan ng mga pulis at welgista.

Dahil sa pagtaas ng kalupitan sa pamamagitan ng mga awtoridad laban sa mapayapang protesta ng manggagawa. Mayo 4 ang mga manggagawa ay nagpasya na isagawa ang pampublikong conference sa Haymarket Square, Chicago.

Sa kaganapang ito, muli inatake ang pagtitipon ng puersa ng pulisya. Dito nagpasya ang mga manggagawa na ipagtanggol ang kanilangsarili sa karahasan na dulot ng puersa ng gobyerno.

Maraming manggagawa ang namatay sa kaganapan, maraming mga lider ang nahuli. 8 anarchist lider manggagawa ang hinulisa kasong murder pero walang ebidensya na nagpapatunay. Isa sa walo ay nagpakamatay sa loob ng kulungan, 4 ang binitay, 3 ay pinatawad ng gobernador ng Illinois.

Noong 1938, 52 taon ang lumipas pagkatapos ng Haymarket Masaccre. Sa Amerika, ang 8 oras na paggawa ay legal na kinilala sa pamamagitan ng Fair Labor Standards Act.

Ang pagkilala sa 8 oras na paggawa sa iba-ibang bansa ay nakabatay kung paano ang mga manggagawa sa kanya-kanyang bansa ay nakibaka sa para sa 8 oras na paggawa at pagkakaroon ng makataong kondisyon sa lugar ng pagawaan.

Sa Pilipinas

Ang Union Obrero Democratica de Filipinas na dating Union Obrera Democratica ay nabuo noong February 2, 1902 sa pangunguna nina Isabelo delos Reyes at Herminigildo Cruz. Na nanawagan sa pagkilala ng karapatan ng mga manggagawa sa panahon ng pananakop ng Amerika sa Pilipinas. Si Delos Reyes ay hinuli noong Agusto 1902 na kinasuhan ng sedition, rebellion at “conspiracy to the raise the price of labor” at pinalitan ni Dominador Gomez. Na nanguna sa unang paggunita ng ARAW NG MANGGAGAWA.

Ang unang paggunita sa ARAW NG MANGGAGAWA SA PILIPINAS ay May 1, 1903 na dinaluhan ng halos 100,000 manggagawa na pinagunahan ng Union Obrera Democratica de Filipinas (UODF or Democratic Labor Union of the Philippines) na nag MARTSA mula sa Plaza Moriones, Tondo patungo sa Malacañang. ang sigaw ng manggagawa “Tunay na kalayaan, ibagsak ang imperyalistang Amerika”.

Sa buwan ding ito, ang Pangulo ng UODF na si Dr. Dominador Gomez ay hinuli at kinasuhan ng sedition and illegal association. Sa pamamagitan ng walang tigil na protesta at demonstrasyon, noong June 3, 1929 ay isinabatas ang 8 working hours sa Pilipinas sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 444 – Eight Hour Labor Law.

Na hangang ngayon tinatamasa sa ating bayan. Maliban na lamang sa ibang empresa na ngayon ay pilit na binabawi ng pamahalaan at mga naglalakihang negosyante ng ating bayan.

###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s