EDSA Revolution 1986, Filipino worst nightmare

28 Taon ang nakalipas pagkatapos ng EDSA people power revolution. 28 taon na ang bangungot ng mamamayang Filipino

EDSA Revolution worst nightmare

Pebrero 23, 1986 (Linggo) wala akong pasok. Mag-isa ako pumunta sa EDSA naglakad ako sa kahabaan ng EDSA mula sa Cubao pagdating ko sa panulukan ng Main Ave at Edsa. Bigla akong bumalik wala akong kasama, kaya naglakad na uli ako pabalik sa Cubao para maka-uwi na muli ako sa Marikina.

Pagdating ko sa aking inuuwian, mayroon akong mensahe mula sa aking mga kasama. May nakatakdang meeting, kinabukasan may tagubilin na magpaalam sa aking trabaho dahil marami kaming gagawin.

Kinabukasan sa meeting ang agenda ay ang mobilization paTungo sa EDSA para makiisa sa pagkilos na iyon. Nagdalawang isip kami ng aming grupo kung kailangan sumuporta sa nasabing pagkilos.

Kailangan pumunta kami, dahil kung hindi kami sasama ay maaaring hindi magtagumpay. Ayon sa mahabang diskusyon at debate kailangan tiyakin na magtagumpay ang laban sa diktadura. Tiniyak ang maraming dadalo sa mobilisasyon sa aming nasasakupang lugar.

Isa lamang ang aming grupo na nagpakilos ng mga lalahok sa pagpunta sa EDSA. Mula sa mga kumunidad at mga pabrikang aming nasasakupan ang aming naisama. Hindi mahirap magpadalo, madali lang magyaya. Ang mga tao ay gsuto talaga pumunta sa EDSA naghahanap lamang sila ng masasamahan.

Kunabukasan Lunes nasa Cubao Isetan na kami. Hindi na lamang kami marami pang iba galing sa ibang lugar. Sabay sabay tumulak patungo sa Santolan, hindi na kami nakarating sa harap ng Camp Aguinaldo at Crame.

Mula sa EDSA may mga tumulak patungo sa Malakanyang, dahil nandun ang luklukan ng kapangyarihang pang-politka, nandun ang nais palayasin. Bagama’t may mga pumipigit ang aking grupong sinamahan ay hindi nagpapigil.

Kaya marami din ang nakarating sa Maynila, lulusubin/papasokin ang Malakanyang. Para paalIsin sa trono ng kapangyarihan ang doon ay nakatira. Hindi nagtagal lumisan ang doon ay naninirahan at napasok ng mamamayan ang Malakanyang. Nagdiwang ang mga tao.

At ang sumunod na mga pangyayari ay kasaysayan na lamanng ang pangkaraniwang tao na kasali sa pagwawakas ng diktadora ay naiwan sa kangkongan.

Ang mga sumunod na mga taon ay pag-ala ala na lamang ng tinatawag na EDSA Revolution. Sumula 1988 kasama padin ako sa EDSA bilang pag-ala ala sa naPAkahalagang pangyayari. Hindi kami nandoon para patasikin ang bagong tagapamuno ng ating bayan. Ito ay para singilin ang bagong pangulo sa pangako ng EDSA. Bigo ang EDSA sa pangkaraniwang mamamayan. Walang nahita ang mamamayan sa EDSA. Inagaw ng mga elitista at kapitalista ang pakinabang sa tagumpay ng EDSA.

Ang bagong sigaw sa EDSA isakatuparan ang tunay na pangako ng EDSA. Naalala kona apat (4) na taon ako sumama sa EDSA para ipanawagan na ipatupad ang tunay na layunin ng EDSA. Panawagan na noon ang bagong pangulo ay ang Ina ng kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas, si P-Noy.

Apat na taon akong pabalik-balik sa EDSA, sa katunayan may apat (4) akong bandera ng Pilipinas mula sa EDSA.

EDSA Revolution ay isang bangungot

Ang Edsa people power Revolution ay isang bangungot sa mamamayan. Bigo at sawi ang mamamayan sa pangako ng EDSA. Bigo at sawi ang mamamayan sa pangarap ng Edsa. KAILANGAN MAGBAGONG LAKAS ANG MAMAMAYAN AT ILUNSAD ANG ISANG MAKABAGONG PEOPLE POWER NA ANG MAMAMAYAN MISMO ANG HAHAWAK SA KAPANGYARIHAN.###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s