MERALCO: pagtaas sa bayad ng kuryente dagdag na pahirap sa mamamayang naghihikahos

Sumalakay ang Yolanda, buong mundo mabilisang kumilos para tulungan ang mga biktima. Millions ng mga ari-arian ang nawasak, hindi malaman kung paano ibabalik ang pamumuhay sa normalidad. Ang pananalanta ay nakasentro sa kabisayaan.

Walang humpay na kahirapan, walang tigil na pagdurusa sa buhay ang dulot na panalalanta ng kalikasan at kagagawan ng tao laban sa kapwa tao at mamamayan.

meralco1

Sa napakatagal na panahon, simula ng traydor na pinapatay ng Magdalo sa pamumuno ni Aguinaldo ang Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio ng Magdiwang at naimbento ang Gobyerno at politiko, dito nagsimula ang pagdurusa ng mamamayang Pilipino.

Mismong ang pamahalaan at mga #polluticians ang mismong sakuna sa taongbayan sa pamamagitan ng pagnanakaw ng mga #polluticians sa pera ng mamamayan na sapilitang (withholding tax) kinukuha ng pamahalaan.

KUBA na ang taongbayan bunga ng KAHIRAPAng dulot ng CORRUPTION para magpayaman ang mga #polluticians ganid sa kapangyarihan. 

GOBYERNO MISMO DISASTER SA BAYAN

ALAM nating lahat matagal na ang nakawan sa Pamahalaan, NINANAKAW ng mga #polluticians ang ating taxes na sapilitang kinukuha sa ating mga bulsa at marami pang pamamaraan.

Sa lahat ng ating galaw, simula ng tayo  ay isinilang BAGBABAYAD TAYO NG TAX at hangang sa ating HULING HANTUNGAN ay hindi tayo hinihiwalayan ng TAX na NINANAKAW lamang ng mga politiko at pakinabang sa mga naglalakihang negosyo na halos may buong kontrol sa buong pagkatao ng bawat pilipino.
MERALCO a greed

#POLLUTICIANS, sinasalanta ang mga Pilipino

Mismong ang mga #polluticians ang isang pangunahing sumasalanta sa mamamayang pilipino sa kanilang ginagawang pagbabakaw sa kayan ng bayan na pag-aari ng mamamayan. Walang pakundangan ang mga #polluticians mula national at lokal na opisyal ng pamahalaan sa pagkamkam sa yaman ng bayan. Pag angkin sa buwis ng taongbayan, ginagawang gatasan ang baka ang mamamayan. Dilobyo ang hatid nito sa tao.

Malinaw na ang nakawan sa 10 billion PDAF, at maraming sangkot, subali’t selective ang kinakasuhan at hinahabol. Habang tumatagal ang usapin na walang resolusyon ay lalong tumatagal ang kawalan ng hustisya at lalong lumalala ang disaster na dulot nito.

CORRUPTION, DISASTER sa bayan

Ang salapi ng bayan ay mula sa mamamayan na dapat ginagamit para sa kapakanan ng taongbayan. Dahil sa kultura ng corruption ng mga #polluticians ay serbisyong dapat ay sa tao ay nawawalang saysay at lalong nagpapabigat na pasanin ng mamamayan at lalong paghihikahos ang nagiging resulta sa bayan.

CORPORATE GREED, DISASTER sa mamamayan

Ang sabwatan ng malalaking korporasyo at ng pamahalaan ay nagbibigay ng malaking pagkakataon sa mga ganid na mamumuhunan na lalong pagyamanin ang negosyo ng mga GANID na kapitalista kapalit ay pagdurusa ng mamamayan.

Ngayon lamang ang buong bayan ay saplot ng pighati at paghihirap. Itong GANID na MERALCO, kasabwat ang ERC ay nagkumahog na itaas ang presyo ng kuryente.

Read more: Meralco rate hikes highest in history

Walang katapusang pagtaas sa mga PRESYO, ng KURYENTE, LPG, TUBIG, GASOLINA, at marami pang iba. Ang ating gobyerno at politiko nakaNGANGA.

WALA NA TAYONG MAAASAHAN SA GOBYERNONG KONTROALDO NG MGA GANID NA NEGOSYO. SAAN AT KANINO PA TAYO DADAIN AT SINO ANG ATING MASASANDALAN. 

Hindi maaaring maging tayo, ang mamamayan ay katulad ng gobyerno na NGANGA na lamang. Kailangan tayo ay kumilos at ipagtanggol ang ating karapatan na ipinakait ng GOBYERNONG sana ay ating masasandalan at tagapag-tanggol.###


KWENTONG KURYENTE NG MERALCO

That’s the correct word…may isang insedente nga po…. hoooyyy MVP makinig ka! Mayroon isang may sakit na haligi ng tahanan. Nagkataon naman halos 2 buwan na di nakakabayad ng kuryente.

Dumating ang nagdadala ng NOTICE OF DISCONNECTION at ang anak ang nakausap ng hayop na taga putol. Palibhasa sanay sa hirap ang batang ito ay nakiusap sa hayop na taga putol ng kuryente.
“MAMA PAKIUSAP PO WAG NYO PO MUNA KaMING PUTULAN NG KURYENTE MAY SAKIT PO ANG TATAY KO, MADILIM PO”. Alam po ninyo ang sagot ng dakila sa kahayupang taga-putol ng kuryente, lupain kong bantad sa mga buwitre? “DI BALE INENG LILIWANAG DIN ANG BAHAY NINYO”.

Tama kayo, after a day dumaan ang hayop na taga-putol ng kuryente at sa lugar ding iyon nasulyapan nya ang bata na nananangis sa isang tolda na may ilang tao nakikiramay at paglapit niya naamoy niya ang usok ng kandila, napasuyap siya sa loob ng kabahayan na halos magliwanag na lamang sa sindi ng kandila.

Alam ninyo po ba ang sabi ng bata “SIR ILANG ARAW PO MAGLILIWANAG ANG BAHAY NAMIN PERO SA PAGKAWALA NG TATAY KO MAGDIDILIM NA PO ANG BUHAY NAMIN”.

Namatay ang haligi ng tahanan sa sakit sa puso. Hindi namalayan ng pamilya na gumagapang na pala sa sahig ang haligi ng tahanan. Dahil madilim ang kabahayan walang nakapansin at ito ay binawian ng buhay.

Comment mula kay Ronald Buriel sa isang post sa facebook.www.facebook.com/ronald.buriel.7

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s