Mendiola Massacre | January 22, 1987

I WAS THERE… Mendiola Massacre, January 22, 1987

Mendiola Massacre

January 22, 1987 is Thursday a regular working day.

Sa panahong ito ay aktibo na ako sa kilusang paggawa. Ako ay bahagi ng isang team ng mga organisador na nakatuka sa malalaking pagawaan sa Marikina. Bahagi ng tungkulin ay ang organisahin ang aking mismong pinagtatrabahohan sa gawi ng Concepcion Uno. Sa panahong iyon ay may halos 2,500 na empleyado ang aking pinapasukan, malaking bahagi nito ay mga baguhan na tumagal ng 2 hangang 7 taon sa serbisyo.

Maraming lumahok mula sa Marikina

Isang malaking delegasyon ang Marikina sa sumama ng rally sa mendiola para suportahan ang panawagan ng mga magbubukid para sa tunay na reporma sa lupa. May mahigit na 200 ang aking naisama sa nasabing rally mula sa aming kumpanya. Ito ay sa kabila na hindi pumayag ang aming management.

Mendiola Massacre

Paghahanda

Bago pa lamang pumunta sa rally, malinaw ang mga tagubilin. Walang magdadala ng matitigas na bagay. Ang pwedi lamang dalhin ay tubig, tuwalya at ipinagbabawal ang pagsusuot ng balat na sapatos. Nasasabi ko ito dahil kasama ako sa command ng Marikina, na walang ibang nakakaalam.

Para sa akin kung ganito ang mga tagubilin ang pinakaposibleng mangyayari ay buwagin ang rally at gamitan kami ng teargas, batota at tubig ng bombero.

Ang tuwalya ay pangtakip sa mukha kung hinagisan kami ng teargas, ang tuwalya ay kailangang basain ng tubig na aming daladala. Ang tuwalya din ay gamit pangsalo o pandampot ng teargas at gamit din para ibalibag ito pabalik sa mga pulis. Ipinagbabawal ang balat na sapatos, ito ay matigas at pagginamit na sipain ang teargas pabalik sa mga pulis masmainam na naka rubber shoes.

Hindi ko inaasahan magkakaroon ng Mediola Massacre. Dahil umiiral ang cease fire at peace negotiation sa pagitan ng NDF at pamahalaan ni Cory Aquino.

Kitang kita ko ang buong kaganapan paano nagsimula ang walang humpay na pagpapaputok ng mga sundalo at mga pulis hanay namin kasama ang mga magbubukid na karamihan ay nagmumula sa central at northern luzon at katagalogan.

Sa pagkakatanda ko, may composite  sa unahan at likod ng main body ng rally. At kami ay nasa unahang composite team na sa aking palagay ay may bilang na 1,000  kung ako nagkakamali ganun din sa likurang composite.  [ang composite team ay line of defense para protektahan sa anumang atake ng kalaban sa main body ng rally]

Impyerno ang kahabaan ng Recto

Pagpasok pa lamang ng Recto pagkalampas ng FEU tanaw ang makapal na bilang ng mga pulis na naghihintay sa Mendiola Bridge. Kung may Rally patungo sa Mendiola ay pangkaraniwan na ang mga Pulis na nakaabang sa tulay na iyon.

mendiola3

Sapagkat wala sa pinakaunahan ng composite team ang hilira ng aming grupo, ang huling tagubilin ng commanding officer na nakatalaga, sumunod sa command/katutosan. Ang kautusang ito ay parang alon na nagpalipat-lipat sa lahat ng command sa lahat ng nasa composite team at tiyak ako nakarating ang panawagang ito sa pinakahuling linya ng rally.

Biglang nagkagulo, umalingawngaw ang mag putok, malakas ang mga sigaw “dumapa, dumapa”. Hindi agad ako dumapa kaya napagalitan pa ako ng isang command.

Dahil huli akong dumapa, nakita ko ang paggalaw ng mga pulis at militar na nasa tulay ng mendiola. Ang pormasyon ng mga pulis sa unahan ay biglang bumuka at narninig ko na lamang ang masmalalakas na putukan na sunodsunod.

Sa saglit na pagtahimik ng mga putok ang kasunod ay daingan, may umiyak, may nagmumura at ang lahat ay tumakbo palayo sa Mendiola. Sa aking pagtayo, isa sa aking kahawak kamay ay hindi na gumalaw. Pilit ko sya hinila pero ayaw sumama. Ang kawahak ko sa kaliwa ay hinila ako at sinabing “iwan mona yan”. Habang kami ay tumatakbo sabi niya may tama yun, baka patay na.

Takbo, dapa ang aming ginawa, sinubukang pumasok sa maga establisyemtong madaanan pero puno na ng mga tao na pareho namin nagkukubli para hindi makita ng mga humahabol na militar.

mendiola2

Umabot ang habulan hangang Avenida, hangang Liwasang Bonofacio parang mga daga habolhabol ng mga pusa. Ang aming grupo tulad ng napagkasunduan sa Liwasang Bonifacio kami magri-regroup anuman ang mangyari. Pero pagdating ko at ng ilang kasamahan ko hindi na nakapagregroup sa Liwasang Bonifacio, dahil may mga nakaabang na pulis at militar sa Liwasang Bonifacio. Hangang sa magpasya na magsipag-uwian na ang mga tao.

mendiola1

Pagkatapos ng isang masamang panaginip

Kailangan malaman kung nakauwi ang lahat ng aking mga kasama. Isang kasamahan ko ang hindi na humarap sa akin. Ang isa, ayon sa kanya ay nagtae daw siya ng isang Lingo. Isang kasamahan namin ay hindi na namin nakita hangang ngayon. Hindi namin alam kung nasaan na siya sa kasalukuyan. Pero ang tiyak hindi siya kasama sa 13 nasawi.

Sumunod na taon sa isang rally ng Mayo 1, nakaharap ko ang isang biktima. Tinamaan siya ng bala sa aking palagay ng ipakita sa akin. Ang bala ay pumasok sa ilalim ng kaliwang taynga at lumabas sa kanang mata, kaya bulag ang kanyang kanang mata. Kung tama pa ang aking pagkakaalaala taga valenzuela siya.

mendiola

Masakit ang katotohanan

Ilang dekada na ang kahilingan ng mga magbubukid na TUNAY NA REPORMA SA LUPA, hangang ngayon wala pang katuparan ang kanilang pangarapin. Nagbuwis na ng maraming buhay pero wala pa ang LUPANG inaasam.###

Advertisements

One thought on “Mendiola Massacre | January 22, 1987

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s