Araw araw ay dapat, araw ng mga guro

(ang sulatin ay isang talumpati na aking ginawa para sa isang kaibigan na kanyang binigkas sa isang programa bilang pagdiriwang ng teachers day noong ika-4 ng Oktobre, 2013)

Guro buhay na bayani

Sa mga magulang at sa lahat ng nandirito. At higit sa lahat, sa mga guro sa buong kapuluan.

Hindi natin kayang pasinungalingan na ang mga guro ang pangalawang magulang ng ating mga anak. Ang mga guro ang humuhubog sa kabataan kung anong klaseng mamamayan ang ating mga anak sa darating na panahon.

Ang paghubog sa kabuuan ng pagkatao ay hindi sulong ginagampanan ng magulang lamang- kaakibat ng magulang at mga guro.

Ang paghubog sa kaugalian ng isang tao sa unang yugto ng paglaki ng mga bata ay nasa kamay ng magulang. Subalit ang mga kasunod na panahon katuwang ng magulang ang mga guro para hubugin ang buong pagkatao ng ating kabataan, mula sa pag-uugali hangang sa pagkakaroon ng tamang kaalaman para ihanda ang kabataan sa kanilang pagharap sa masalimoot na buhay.

Kung anong klasing kabataan at mamamayan tayo ngayon sa ating bayan ay may malaking bahagi ang mga guro. Kung anong klasing pinuno meron tayo ngayon ay natin naituturing na may kinalaman ang mga guro. Sapagka’t kailanman ay hindi nagturo ng maling gawi ang ating mga titser. Kailanman, ang nais ng ating mga guro ay lumaki ang ating kabataan na maging responsabling mamamayan ng ating bayan.

Kung may maituturing na bayani na nabubuhay sa kasalukuyan ay walang iba kundi ang mga guro. Hindi natin matatawaran ang kabayanihan ng mga guro sa paghubog ng atin pamayanan at ng Lipunan sa pangkalahatan.

Hindi ko maiwasan, na hindi bangitin sa kabilang panig ng pagiging dakila ng ating mga guro.

Sila din, ang mga guro ay yaong biktima ng mga taong umuugit sa ating pamayanan at sa ating lipunan. Ang mga guro ay biktima ng mga tiwaling nais pamahalaan ang Gobyerno. Nabanggit ko ito sapagkat ilang araw na lamang ngayong buwan ng Oktobre ay sasabak na naman ang ating mga guro sa isang mahalagang gampanin. Hindi para hubuging ang kabataan, bagkus ay bahagi sila sa paghubog ng ating Lipunan, ng ating pamahalaan.

Magiging bahagi ang ating mga dakilang mga guro sa pag-ugit ng isang pamayanan, isang pamayanan na magtatakda ng kung anong klaseng kumunidad na naghihintay sa ating kabataan sa kanilang paglaki.

Ang tinutukoy ko po ay ang halalang pangbarangay, sana hindi na naman muling maging biktima ang ating mga guro ng mga tiwali at mapagkunwari at umaaktong lider at nais pamahalaan ang ating pamayanan sa pangbarangay na bahagdan.

Huwag sana magamit at magpagamit ang ating dakilang mga guro, tulad sa mga pangkaraniwang nagaganap sa panahon ng halalan.

Para sa ating mga Lider, huwag sana samantalahin ang ating mga guro. Ingatan po natin sila at huwag itulak sa maling gawain.

Kung gagamitin na naman natin ang ating mga guro sa maling gawain. Tayo mismo na hinubong ng mga guro ang magbubulid sa kanila sa paggawa ng mali at hindi ito makakabuti sa ating pamayanan. Tayo mismo ang mag-aalis ng kadakilaan ng mga guro.

Kung ako ang tatanungin, Walang natatanging araw (teachers day) para sa mga guro. Walang iisang araw para parangalan ang ating mga guro. Bagkus, buong panahon dapat ay araw ng mga guro para dakilain at hindi lamang alalahanin.

Maraming Salamat po sa inyong lahat mahal naming mga guro. Mabuhay po tayong lahat. At magandang hapon po.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s