Tamang paninindigan tindigan, kahit nag-iisa. Dahil sa kawastuhan lahat ay Sasama

Natatandaan pa ba natin  ang paglaban ng mamamayan ng Turkey nitong mga nakaraang buwan (June 2013). Pagkatapos malupig ng pamahalaan na nagprotesta laban sa planong redevelopment ng natitiran green area sa Stanbul.

Humupa ang mga protesta, pero hindi doon natapos ang pagtututol. Sa panahon na inakala ng lahat na walang nang may kakayanan na ipagpatuloy ang paglaban may nag-iisang tao na tumayo at hindi inisip na nag-iisa na lamang siya. Ipinaibabaw niya ang kapakanan ng Mamamayan at Bayan.

Kaya nagkaroon sa Turkey ng tinatawag na “STANDING MAN“. Sa kanyang pagsisimula hindi inaasahan na marami ang sasama sa kanya. Ginawa ni Erdem Gunduz para muling pasimulan ang pagtindig sa kanyang paniniwala para sa bayan.

Hindi ginawang rekisito ni Erden Gunduz na kailangang muna na meron siyang makakasa bago tumayo at nagpahayag ng kanyang saloobin.

Ginawa ni Erden Gunduz na tumayo mag-isa dahil alam nya ang kanyang paninindigan, alam niya na kailangan may magsimula. Hindi muna niya inalam kung may sasama sa kanya ang mahalaga kailangan ay ituloy ang laban ng mamamayan.

Pero ang kasaysayan na nagpapatunay, sa simula nag-iisa siya paglipas lamang ng ilang oras at dumating ang isang Lingo, hindi na siya nag-iisa, marami na sila. Siya lamang ang nagsimula.

Sa mainit na usapin sa PDAF ay mga nangangahas na pamunuan ang mamamayan, tagumapay ang #MillionPeopleMarch sa Luneta, may isusunod sa September 11, 2013 – sa EDSA. May namumuno laban sa PDAF kaya may kumukilos organisado man o hindi.

Sa Lunsod ng Marikina, bagama’t walang PDAF pero may Discretionary Fund, may pera ng taong bayan ng pinamamahalaan ng mga halal at hindi halal na opisyal ng pamahalaan ng Marikina. Hindi malinaw sa taongbayan kungsaan napupunta ang pera ng mamamayan ng Marikina.

Laganap ang korapsyon sa pangbansang Pamahalaan, kaya naghihirap ang Sambayanang Pilipino. Maraming naghihirap sa Marikina kaya meron korapsyon na nagaganap.

Hindi dama ng mamamayan na sila ay naghihirap sapagkat nakasanayan na nila. Hindi ramdam ng taga Marikina na sila ay apektado ng Korapsyon na nagaganap sa ating Lunsod.

Hindi dahil, hindi dama ng mamamayan ang korapsyon ito ay hindi nangangahulugan na walang problema.

Ang problema sa Marikina walang organisasyon o grupo na maglakas ng loob na tumayo at gumawa sa abot ng kanyang kakayahan.

Kung sino ang tumatayo sa tama at wasto kailangan tumayo kahit nag-iisa. Huwag sumama sa laban dahil popular. Tumayo at lumaban kahit nag-iisa kung tama at para sa bayan ang ating paninindigan. Ang parati kong sinasabi |”KUNG HINDI IKAW, SINO?

Palakasin ang laban sa korapsyon sa pambansang saklaw:

1. Abolish PDAF, Abolish all Discretionary Funds to all Polluticians, local & national;

2. All Discretionary Funds allocate to social services

3. Urgent Passage of Freedom of Information Bill

4. Dalhin ang laban ng Korapsyon sa mga Lokal na Pamahalaan;

Sa Marikina:

  • Maging observer ang mamamayan (kinatawan) sa Bids & Awards Committee;
  • Magkaroon ng participatory Budgeting sa Local na Pamahalaan;
  • Magkaroon at maging bahagi sa Participatory Audits;
  • Palakasin ang pagkakaisa ng Mamamayan ng Marikina at mga Organisasyon
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s