Hindi sapat ang Galit at Social Media sa pagbabago ng isyung pangbayan

Image

Malaking bilang ng mga Pilipino ang hindi naaabot ng social media. Ang pagsisikap para makarating sa grass root level ang mahahalagang inpormasyong pangbayan at nasa kamay ng mga responsabling organisasyon na may pananagutan na bigyan ng sapat na kaalaman ang mamamayan at hindi umaaasa na lamang sa internet o social media. 

Sa Pilipinas, maraming gumagamit ng social media pero hindi ito sapat para maabot at mabigyan ng sapat at tamang inpormasyon ang mamamayan sa tunay na kaganapan sa ating Lipunan. Totoo na ang social media sa kasalukuyang panahon ang pinakamabilis na kasangkapan para ipaabot ang iyong pananaw sa mainit na usapin. Napatunayan din na ang social media ay maaaring tulay para mapakilos ang mamamayan sa isang partikular na isyung pangbayan.

Ang #OccupyMovement ay isang patunay at social media ang kanilang naging paraan para lumabas ang mga tao at pumunta sa lansangan.

Sa Pilipinas, sa kauna-unahang pagkakataon ay dahil sa social media kaya naisakatuparan ang #MillionPeopleMarch sa Luneta noong August 26, 2013.

Ating tandaan sa bawat 10 Filipino ay 3 lamang ang konektado o nakakagamit ng Internet (See: Only 3 out of 10 Filipinos have access to Internet) kung ganun may 7 sa bawat 10 Filipino ang hindi naaabot ng mga inpormasyon na pinag-uusapan sa internet.

Isang datos ay ipinakita na noong 2009, halos 20 million Filipino ay konektado sa internet, kumkatawan sa 22% ng buong population ng bansa.

Ang mga Filipino na konektado sa internet nasa pagitan ng edad na 10 – 29 taong gulang, edukado at mahilig sa teknolohiya. 53% ng konektado sa internet ay nahihilig lamang sa mga online games.

Ang masasabi lamang na pweding may interes sa panglipunang usapin sa mga konektado sa internet ay yaong 24% na ang kanilang pagkonekta sa internet ay magbasa ng  mga news online. (Source: Techpinas)

Ang #MillionPeopleMarch sa Luneta ay resulta ng social media, kaya naman ang dominanteng grupo na makikita mo sa Luneta ay yaong mga middle class na hindi naman labis na apektado ng Pork Barrel Scam. Ang mas higit na apektado ng Porl Barrel Scan ay yaong mga taong nangangailangan ng sapat na serbisyong publiko sa hindi paraang namamalimos sa mga Polluticians.

Kung meron mang galing sa grass root na dumating sa Luneta ay mga taong nahagip ng mga panawagan ng mga organisadong grupo labas sa social media.

Saan magtatapos o ano ang dulo ng #MillionPeopleMarch,? Ang naganap sa Luneta bagamat marami ang dumating ay magkakaiba ang mga pananaw at paninindigan sa usapin ng PDAF.

Sa kasalukuyan ang lahat ng tao, organisasyon na nakikisangkot sa kontrobersiya ng PDAF ay naghihintay ang mga susunod na mangyayari. Naghihintay ng kumpas mula sa Social Media. Bagama’t may mga lumabas na panukala na “What next to be Done” ay wala pang nagkukusa paano gagawin sa kanya-kanyang lugar ang mga maaaring gawin.

Ang kumpas sa mga susunod na gagawin ay nagmumula sa middle class sa pamamagitan ng Social Media, halos lahat ay dito nakaabang. Kaya ang mga aksyon sa laban sa Corruption na naka-partikular sa PDAF ay nakapokus sa pangbansang pamahhalaan. Walang maramdaman sa lokal na pamahalaan. Hindi naman lihim sa lahat na ang corruption ay isang sistema na nakatanim na sa buong estruktura ng pamahalaan.

As the real stakeholders in the pork barrel circus, where do we put ourselves afterwards? Keeping the issue alive — whether in social media or elsewhere — is just one way of letting everybody know that citizens are not giving up that easily. Beyond the banners that were waved and the words that were used, we must constantly find new ways to be inspired and new ideas to bring about change .

Like they all say, this is only the beginning. Protests may not change things overnight but I am thrilled to have at least witnessed how citizens are taking simple yet crucial steps to end their silence. –Rappler.com

Harvey S. Ken | What’s next after the Million People March?, he says;

1.)  Learn from the results of the past scandals and continue the call for justice against those who abused and misused the pork barrel.

2.)  Push for the passage of the Freedom of Information (FOI) Bill and the Full Disclosure Act
3.)  Play a more active role in electing better leaders for our country

In my personal opinion and recommendation:

Pursue for Peoples Participation in Governance;

1. People should involve themselves in the BIDS AND AWARDS COMMITTEE;
2. People should involve themselves in the BUDGETING PROCESSES in Local Government Units
3. People should involve themselves in the Participatory Monitoring and Auditing (CCAGG)
4. Aralin din natin ang mga kaganapan sa Naga City kungsaan ay naabot na resulta ang Naga City People Council
All of this are NOT automatically grant by the LGU concern, people should struggle and fight  to achieve whatever we want to achieve. Hindi ito tuwid na daan, masalimoot at masukal ang daan tungo sa nais natin. Kung walang maglalakas ng loob na tahakin ang landas ito, wala tayong mararating.

Walang magiging resulta kung lahat tayo ay natatakot mabigo. Walang mangyayari kung tayo ay magiging palasuko. Hawakan ang ating sariling landasin at tungulin para ang sariling kapalarang ay mapanghawakan. Ang katuparan ng lahat ng ito ay hindi magaganap NGAYON, BUKAS, O SA SUSUNOD NA ILANG ARAW. Mahabang lakbayin ang landas na ito, subukan nating tahakin. Huwag matakot sumugal, huwag matakot matalo at mabigo.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s