Paninindigan at paniniwala sa #MillionPeopleMarch

August 26, 2013, #MillionPeopleMarch sa Luneta ay nilahukan ng iba’t ibang sektor, grupo, indibidwal, at mga Pamilya, organisado at hindi organisado. Halos naikot ko lahat ng lugar dahil may dala akong petition paper at nagpapalagda ako sa nasabing Petition.

“No Banners Zone” ng #MillionPeopleMarch pwesto ng Neutral/Middle Class Forces 

Karamihan sa mga sumama ay yaong mga indibidwal at pami-pamilya na nagmula sa panggitnang bahagdan ng pamumuhay. Ito ay makikita mo sa “No Banners Zone” sa Luneta at nakasuot ng kulay puti na damit.

Kinausap ako ng isang babae  na nakaputi. Tinanong ako ng ganito; hindi ba’t hindi naman laban kay Presidente ang pagpunta natin dito?” Siya ay nagtatrabaho sa PAL at ang kanyang asawa ay dating piloto sa PAL din mismo, pero ngayon ay nasa Amerika at doon na nagtatrabaho bilang Piloto.

Isang pamilya naman ang aking nakahuntahan, nakaupo sa damuhan. Iniabot ko ang aking dalang Petition at kanyang binasang mabuti. Pagkatapos basahin ay iniabot niya sa akin ang papel at sinabing “hindi kami pipirma”. Bakit pati si Presidente idinadamay ninyo”, sabi ng babae. Sa aking kaunting paliwanag agad akong umalis.

May tatlong grupo pa ang aking nakausap na nakapwesto sa “no banner zone” mula sa Las Peñas, Cavite at isa mula sa Laguna. Sa tatlong ito sila ay mga empleyado ng kompanya at lahat sila ay nandoon kasama ang mga boss sa trabaho. Sa katunayan bago sila pumirma sa petition ay kailangang kausapin ko muna ang kanilang kasama na sa aking hinala ay kanilang boss sa trabaho. Personal nilang posisyon ay ang Pork Barrel.

Kung sila ang makikinabang hindi sila aayon na alisin ang PDAF

Meron din ako nakausap na isang pamilya sa isang bahagi ng Luneta doon sa ilalim ng mga Puno kungsaan ang grupo ng C2G2 ay pumuwisto.

Ang ama ang nagyaya at nagdala ng kanyang pamilya sa nasabing okasyon.  Nang aking tanungin, hindi ang usapin ng PDAF ang una niyang nabanggit, bagkus sabi niya;

“gusto ko ma expose ang aking mga anak sa ganitong mga usapin para maunawaan nila bakit nagkakaganito ang ating bayan. “dapat talaga alisin na ang PDAF pero hindi lamang ang PDAF, ang mismong corruption dapat mawala, dagdag ng aking kausap.

Ayon sa kanya, kung ganito ang kaayusan para labanan ang corruption walang signipikanteng resulta, magpapatuloy ang pagnanakaw. Ayon sa kanya, yang mga yan kaya galit ay dahil hindi sila ang nakikinabang, ibigay mo sa kanila ang pagkakataon na sila ang tumanggap ng PDAF tiyak wala silang sasabihin at ipagtatanggol pa nila.

Marami siyang sinabi, walang patid na nagsalita, para suportahan ang kanyang paninidigan sa corruption. Ako na lamang ang pumutol sa aming usapan at saka lamang siya pumirma sa aking dalang petition na i abolish ang PDAF.

Bago ako umalis, tinanong ko siya, kung tagasaan. Galing siya sa Marikina at sa Camacho sila nakatira. Nagulat ako at sinabi ko taga Marikina din ako. Dahil sa kanyang estilo ng pananalita, tinanong ko siya kung saan nagwowork. Doon pala siya nagtatrabaho sa Clark airbase at Board Member siya ng kanilang Unyon. At saka ako nagpaalam.

Hindi masaya na alisin lamang ang PDAF

Sa isang bahagi ng Luneta sa #MillionPeopleMarch ay may itinakdang “Banner Zone” kaya naman doon nagsisiksikan ang iba’t ibang uri ng bandera, iba ibang kulay. Maraming nagpapaliwag at kakaiba ang kanilang paninindigan. Hindi lamang sila para alisin ang PDAF, nais nilang mawala ang Corruption. Na sinuportahan ng iba’t ibang paliwanag.

Bandang ika-2 ng hapon ang may mga nandera ay umalis sa LUneta at tumungo sa Mendiola para idiin at iparinig sa Malakanyang ang kanilang paninidigan.

ANG TUNAY NA USAPIN AT DAPAT TINDIGAN NG MAMAMAYAN

  • Alisin ang Pork Barrel mula sa Pambansa hanggang Lokal na pamahalaan, wakasan ang CORRUPTION;

  • Kaagad na isabatas ang FREEDOM OF INFORMATION BILL;

  • Agarang pagsasaayos ng Electoral System na sinasasangkutan ng Smartmatic/PCOS Election

  • Hingin ng mamamayan sa Local na Pamahalaan na isali ang kinatawan ng Mamamayan sa Local Budgeting processes at project Implementation Auditing

  • Palakasin ang representasyon ng Mamamayan sa lokal na BIDS AND AWARDS COMMITTEE

Advertisements

2 thoughts on “Paninindigan at paniniwala sa #MillionPeopleMarch

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s