MAYOR DEL DE GUZMAN, TUNAY MO BANG MAHAL ANG MGA TAGA-MARIKINA?

Ang mamamayan ba ng Marikina City ay mahal at kinakalinga ng ating Pamahalaan sa Pangununa ni Hon. Mayor Del De Guzman, Vice-Mayor Fabian Cadiz at ang mga halal na mga Konsehal. Ang sukatan kung ang Pamahahalaan ay may pagkalinga a kanyang mamamayan ay hindi makikita sa magandang ngiti, sa pakaway kaway at pangiti-ngiti.

Ang pamahalaan ay maaaring ihalintulad sa isang Pamilya.

Ang tumatayong ama ay ang Mayor at maaaring ang Vice-Mayor ang tumatayong Ina. Ang mga Konsehal ay ang nakakatandang Kapatid. Sa mapagkalingang Pamilya pangkaraniwan ang Ama ay nagsusumikap para bigyan ng magandang pamumuhay at kinabukasan ang kanyang Pamilya at ang Ina naman ay nagtitiyak na isaayos ang tamang paggabay sa kanyang mga anak. Kadalasan, ang pagkain at isusubo na lamang ng isang Ama at Ina ay ibinibigay pa sa kanyang mga Anak lalo na kung maliit ang budget. Inilaan sa kalusugan, education at sa ibang mahahalagang pangangailangan ng buong pamilya higit sa kanyang mga Anak.

Ang Pamahalaan ay walang pagkalinga sa kanyang nasasakupan:

Tingnan natin kung sa naghihikahos na Lunsod ng Marikina ay pagkalinga sa kanyang mamamayan. Ang pangkalinga at pag-aruga na ito ay masusukat natin at makikita kung paano inilalaan ng Pamahalaan ang kakaunting budget sa kanyang nasasakupan, na parang pagmamahal ng isang Ama ng Bayan.

Suriin natin ang buong taong budget ng ating Lunsod sa taong 2013.

KABUUANG BUDGET NG MARIKINA TAONG 2013  

P 1,626,822,558.17

Opisina

 

Halaga

(in million peso)

Serbisyo

 

Halaga

(in million peso)

Mayor

226,167,482.19

Kalusugan

99,122,900.74

Vice-Mayor

22,397,122.76

Employment

2,914,659.14

City  Council

76,286,530.88

PPMO

2,709,342.12

Senior Citizens

6,803,340.00

Social Welfare

17,118,276.88

Total

 

128,668,518.88

Ang budget sa Mayor ay katumbas ng 13.90% ng buong taong budget at ang nakalaan sa Kalusugan ay katumbas ng 6.10% lamang ng budget sa taong  2013. Kaya naman dahil dito ang mga health Center sa Marikina ay walang maayos na supply ng gamot at ibang mahalagang pangangailangan.

Ang inilaan naman sa employment ay katumbas lamang ng 0.18% sa buong budget sa isang taon. Kaya naman wala din malinaw na resulta ang Kabuhayang (K) Programa, mas malaki pa ang nailaan sa Senior Citizens na 0.42% na dapat mas-malaki din ang inilalaan sa senior Citizens. Welfare Service ay meron lamang na 1.0% ng kabuuang Budget.

Kung susumahin ang halagang inilaan sa social services ay umaabot lamang sa 128,668,518.88 million pesos na di hamak na mas-malaki padin ang budget sa Office of the Mayor.

Ang budget ng Office of the Vice-Mayor (na may dumadaloy na makakalusugang damdamin dahil isa siyang Doctor) ay masmalaki kumpara sa Social Welfare mayroon lamang na 17,118,276.88 Million pesos. Ang City Council naman ay may kabuuang badget na 76,286,530.88 million pesos. Ang pagpapasya sa paggamit ng Budget ay nasa discretion ng Vice Mayor, kaya lumalabas na ang pundo ng Vice Mayor na nasa kanyang control at pamamahala ay  98,683,653.64 million pesos.

Kung titingnan natin ang datos, napakahirap tangapin at unawain na may malasakit ang Pamahalaang ito sa kanyang Mamamayan. Ibig bang sabihin nito, ayos na datos sa itaas ay mas-pinahalagahan ang sariling pangangailangan ng tatlong (3) opisina kaysa sa pangangailangan ng mamamayan? Mahal nga ban g Magulang at mga kapatid na tagapamahala ang mamamayan? O talagang sadyang dinarabong na lamang ng mga POLLUTICIANS ang Taong bayan?

Kitang kita sa Budget kung alin at sinu ang kanilang prioridad sa paglalaan ng budget. Kung talagang may malasakit sa mamamayan ang Pamahalaan ay dapat mas-malaki ang nakalaan sa mga pangunahing Serbisyo Publiko. Ang datos ang nagsasabi kung anu ang tunay na kahulugan ng “TUNAY NA KAUNLARAN, TAO NAMAN”. Kabalintunaan ang tunay na ginagawa ng Pamahalaan sa tunay na kaunlaran, tao naman. Ang 7K or (K program ay pawang nasa papel lamang at hangang talumpati lamang at doon na iyon magwawakas.

Hind mapapatunayan ng mga pakamay-kamay at pakaway-kaway ng mga #POLLUTICIANS ang kanilang malasakit sa mamamayan. Ang lahat ng ito ay pawang balatkayo lamang. Masasabi ko pang-uuto lamang at ang mamamayan ay nagpapauto.

Marami sa makakabasa nito ay magagalit at sasabihing hindi sila UTO-UTO. Kung hindi totoong UTOUTO ang taong bayan sana ay matagal na tayong sumigaw ng katarungan laban sa pagbabaliwala nila sa Serbisyong dapat ay ating tinatamasa. Ang ating hinihingi na serbisyo ay hindi nagmumula sa kanilang sariling pera, ang ating inaasahang serbisyo ay mula dugo at pawis ng mamamayang nagbabayad ng buwis.

SIGURO PANAHON PARA TAYO AY TUMAYO, MAKIALAM, MAKILAHOK SA PAGTUTUWID NG MATAGAL NANG  MALI.

 Pinaghalawan: Marikina City | Full Disclosure – Policy Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s