What next after Million People March to Luneta

What is to be done after #MillionPeopleMarch to Luneta appealing the Administration of President Benigno Aquino III to #ScrapPork.

Wala na ang PDAF, nanatili naman ang Pork Barrel

Walang sa imahinasyon ni President Pnoy na alisin ang Pork Barrel system. Ito ay bibigyan lamang ng bagong  mukha tulad na ng kanyang naipahayag na wala na ang PDAF, sa kanyang pahayag at paglalatag ng mga bagong mga pamantayan sa proyekto ng mambabatas ay nanatili padin ang PORK BARREL- hindi inalis bagkus ay pinagtibay lamang niya ang kontrol sa mga mambabatas at pinatili ang kanyang sariling PORK. Kontrolado niya ang lahat ng budget kaya mapipilitan magmano sa kanya ang lahat ng nagnanais na magkaroon ng proyekto sa kanya-kanyang distrito ng mga Congressman  at napipiling proyekto ng mga senador.

Buong pagbuwag sa anumang uri ng DISCRETIONARY FUNDS ang dapat mangyari, alisin lahat ito sa sariling kontrol ng sinumang opisyal ng Pamahalaan mula sa National hangang sa Local na pamahalaan.

Ano ang maari pang gawin ng Mamamayan?

Sa aking palagay ay hindi na mababago ang pahayag ng Pangulo na inalis na ang PDAF pero nanatili padin Pork Barrel (pananatilihing sisipsipin ng mga #POLLUTICIANS ang taba ng kaban ng bayan) ang ipinagbago lamang ay ang mga rekiseto paano gagamitin ito.

1. FREEDOM OF INFORMATION BILL (Leni Robredo Bill)- kaagat ipasa ang FOI bill para ang mamamayan ay may access sa mga transakyon ng pamahalaan, lalo na sa usapin ng budget;

2. LABANAN ANG CORRUPTION SA LOKAL NA PAMAHALAAN– sa maliliit na tagumpay laban sa corruption sa mga Lokal na pamahalaan nababawasan ang nasasayang na Pundo ng pamahalaan. Sa ganitong paraan, tuloy tuloy na naitataas ang kamulatan ng mamamayan sa laban sa corruption at mabubuo ang mahigpit na pagkakaisa ng taong bayan.

3. TULOY-TULOY NA PANGBANSANG AKSYON NG TAONG BAYAN – Muling babalik ang taong bayan kung saan mas mainam na ipahayag ang saloobin ng bawat isa (edsa, malakanyang, luneta, o kungsaan saan man). Mahalagang tuloy-tuloy ang pagkilos hangang bitawan ng mga #POLLUTICIANS ang anumang uri ng Pork Barrel (discretionary funds);

4. SIGNATURE CAMPAIGN – Ipagpatuloy ang Signature campaign (SCRAP THE PORK BARREL, NOW…JAIL ALL THE PLUNDERERS..!!!) na sinimulan ng iba’t ibang grupo hangang umabot sa significant na bilang para isumite sa Kongreso, senado, malakanyang;

5. RESOLUTION NG MGA LOKAL PAMAHALAAN – Kombensihin ang mga lokal na mambabatas ng bawat lunsod, probensya, bayan na magpatibay ng isang Resolution na nagpapahayag na buwagin na ang anumang uri ng Pork Barrel o anumang discretionary funds sa kontrol ng mga #POLLUTICIANS;

6. PEOPLE PARTICIPATION IN BUDGETING PROCESSES AND AUDITING – isulong sa mga Lokal na Pamahalaan para masubaybayan ang paglalaan ng budget at paggamit nito sa mga proyekto.

7. PEOPLES REPRESENTATION SA BEDS and AWARDS COMMITTEE (BAC) – pagtibayin ayon sa itinatakda ng Local Government Code, Procurement Law at ibang batas na may kaugnayan.

8. PEOPLES REPRESENTATION sa LOCAL DEVELOPMENT COUNCIL at ibang SPECIAL BODIES – ayon sa itinatakda ng Local Government Code at ibang batas na may kaugnayan.

Sa mga nabanggit na paraan ay maaaring makabawas sa malawakang corruption at pandarambong sa kaban ng bayan ng mga #POLLUTICIANS. Lahat ng kuro kuro ay labis na hinihikayat para lalong maisaayos ang mga mungkahing dapat gawin ng bayan.

Advertisements

2 thoughts on “What next after Million People March to Luneta

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s