Pinoy profile1

Walang planong alisin ni Pnoy ang pinag-uugatan ng Corruption sa Pilipinas. Pinapalitan lamang niya ito ng bagong anyo, sapagkat siya mismo ay may malaking pakinabang dito.

Ang Countryside Development Fund (CDF) and Priority Development Assistance Fund (PDAF) ay bayad ng Pamahalaan at/o ng Pangulo s mga mambabatas para hindi ito hadlangan sa mga nais gawin ng Pangulo at/o maiwasan o hadlangan ang mga mambabatas sa anumang hakbang na impeachment sa Pangulo ng Pilipinas.

Sa pag-abolish ni Pinoy sa dating PDAF ay lalong pinalakas ng Pangulo ang hawak sa leeg ng mga mambabatas, total control ang Pangulo sa mambabatas dahil sa bagong mekanismo na ipatutupad or else wala kang budget na makukuha sa Pamahalaan.

Sa bagong pamamaraan MALILIKHA ang mas pinatindi na pagkakampihan at/o pagtatakipan ng mga Politikong magkakaalyado dahil sa bagong mekanismo. Ito ay lilikha ng bagong kaayusan, magkakaroon ng mas demonyong sabwatan dahil mabubuo ang isang “POLITICAL CULT” mula sa “POLITICAL PATRONAGE”.

Hindi tanggap ang bagong mekanismo na inialok ng Pangulo, kailangan ay buong ibaliwala ang anumang pundo sa proyekto ng mga mambabatas. GAWIN NG MAMBABATAS ANG KANILANG TRABAHO ANG MAGSAGAWA NG BATAS AT HINDI PARA PAGPATUPAD NG MGA PROYEKTO NA TRABAHO NG EXECUTIVE BRANCH NG PAMAHALAAN.

Hindi dapat magtapos sa abolition ng PDAF ang labang sinimulan sa Luneta ngayong ika-26 ng Agusto 2013.

Dapat isama sa panawagan na tangalin ang anumang DISCRETIONARY FUND mula sa pangulo ng Pilipinas, sa mga department Heads, Governors, Board Members, Mayors. Dahil sa discretionary funds na ito laganap din ang “CORRUPTION”  executive branch ng Gobyerno hangang sa pinakasulok ng mga local na pamahalaan.

Tingnan natin ang ilang Discretionary Fund sa pamamahala ng Pangulo ng Pilipinas;

Malampaya fund

132 Billions

CCT Dole out fund

62.6 Billions

Pagcor Presidential Social Fund

12.4 Billions

Intelligence Fund

0.8 Billions

Budgetary Support to GOCC

62.9 Billions

Allocation to LGU

19.7 Billions

School Building Program

1 Billions

Support to Infrastructure Program

14 Billions

E- Government

2.4 Billions

Bottom up Budget (from NGOs)

20 Billions

MVUC (road users tax)

12 Billions

Pamana Funds

7 Billions

346.8 Billions

Alisin ang lahat ng Discretionary fund sa kamay ng mga opisyal ng gobyerno na matagal nang inaabuso. “LAGANAP ANG KAHIRAPAN, DAHIL LAGANAP ANG CORRUPTION”

Bakit hindi maalis ni Pnoy ang pundo sa mga mambabatas? Dahil kung gagawin ni Pnoy ito ay maaring silipin ng mga mambabatas ang sariling discretionary fund ng Pangulo. Na mismong si Pnoy ay ayaw niyang mawala sa kanyang kamay napakalaking discretionary fund na nasa kanyang kapangyarihan.

Advertisements