Andres Bonifacio Unang Pangulo ng Pilipinas

Andres Bonifacio, dapat nga bang itanghal bilang unang presidente?

August 3, 2013
Image

Sa pagdiriwang ng kanyang ika-150 kaarawan ngayong taon, nagtipon-tipon nitong Sabado ang ilang mga kilalang mananalaysay ng bansa upang ipanawagan na hirangin si Gat Andres Bonifacio bilang kauna-unahang presidente ng bansa.

Si Andres Bonifacio y de Castro ang ama ng Katipunan, isang lihim na kilusan na nagsimula ng rebolusyon upang itaboy ang mga Espanyol sa bansa.

Ayon sa isang pahayag ng grupong Sentro (Sentro ng Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa), ang pananaliksik ng mga historiyador na sina Gregorio Zaide, Teodoro Agoncillo at John M. Taylor ay nagturo na ang Katipunan ay nagtatag ng hayag na pamahalaang de facto matapos malantad ang lihim na kilusan.

“Ang halal na pangulo ay si Andres Bonifacio. Siya ay nagsilbi bilang pangulo mula Agosto 1896 hanggang siya ay paslangin ng mga tauhan ni Emilio Aguinaldo noong Mayo 1897,” ayon sa grupo.

Sinang-ayunan naman ito ni Josua Mata, secretary seneral ng Alliance of Progressive Labor: “Nais naming ituwid ang mga maling akala kay Bonifacio, at kilalanin siya bilang unang lider ng isang nabubuong nasyon.”

“Kailangang tumimo si Bonifacio bilang tunay na intelektuwal na lider rebolusyunaryo sa isip ng henerasyong ito at sa mga susunod na henerasyon,” ayon kay Mata.

Ipinanawagan din ni Michael Xiao Chua, propesor sa Kasaysayan, na hirangin si Bonifacio bilang kauna-unahang presidente ng bansa.

Sa kasalukuyan, si Emilio Aguinaldo ang itinuturing na kauna-unahang pangulo ng bansa.

Tulad ni Bonifacio, isa ring Katipunero si Aguinaldo ngunit siya ay lider ng paksyong Magdalo, na kanyang itinatag. Idineklara siya bilang presidente ng bansa noong 1898 sa ilalim ng Republika ng Malolos.

Sa nasabing pagtitipon, inihain ni Virgilio “Rio Alma” Almario, Pambansang Alagad ng Sining at kasalukuyang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang mga pananaliksik at pag-unawa kay Bonifacio.

Ayon kay Almario, hindi lamang bayani at makata si Gat Andres, ngunit isa rin itong siyentipiko sa politika.

Sinang-ayunan naman ito ni Atty. Gary Bonifacio, isa sa mga inapo ng bayani. Dagdag pa nito, isang tunay na feminista si Bonifacio sapagkat kinilala nito ang mga karapatan at kontribusyon ng kababaihan sa kilusan.

Dinaluhan nina Lourd Ernest de Veyra, manunulat at media personality, at ni National Historical Commission of the Philippines chairperson Ma. Serena Diokno ang nasabing pagtitipon. Rouchelle R. Dinglasan /LBG, GMA News

Advertisements

3 thoughts on “Andres Bonifacio Unang Pangulo ng Pilipinas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s