Arroyo, huli sa camera na walang suot na neck brace

*****

Nakuhanan umano ng camera si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na walang nakasuot na neck brace habang naglalakad sa loob ng compound ng isang ospital ng gobyerno sa Quezon City, kung saan siya nakapiit.

Agad namang sumagot si Ginang Arroyo sa kanyang Twitter account nitong Miyerkules ng umaga na sinabi umano ng mga duktor niya na huwag nang isuot ang kanyang neck brace.

“(My) doctor reminded me not to wear my neck brace all the time to prevent atrophy. But my neck hurts after a while,” ani Arroyo.

Isinailalim si Arroyo sa hospital arrest mula pa noong Huwebes sa Veterans Memorial Medical Center matapos ipag-utos ng Sandiganbayan ang kanyang pag-aresto sa kasong plunder.

Noong Martes, inulat ng Aksyon TV na nakunan ng kanilang camera si Arroyo na naglalakad sa loob ng VMMC, at walang suot na neck brace.

Ayon sa ulat, nang makita ng dating pinuno ang mga camera ng media, pumasok umano ito sa loob at lumabas muli na may suot na neck brace.

Kasalakuyang humaharap si Arroyo sa kasong plunder kaugnay umano sa naganap na iregularidad sa paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Bago siya maaresto noong Huwebes, pansamantala siyang nakalaya mula sa walong buwang pagkapiit sa hospital matapos makapagpiyansa noong Hulyo. Ang bail bond ay kaugnay naman sa kasong electoral fraud na nagyari umano noong 2007 elections.

Patuloy siyang pumupunta sa VMMC para sa kanyang regular treatment sa kanyang anatomical na kondisyon.

Bago naihain ang arrest warant noong Huwebes, nauna nang dinala ang dating pangulo sa VMMC dahil sa dehydration.

Inihayag naman ni VMMC head Dr. Nona Legaspi noong Biyernes na kahit naayos na dehydration problem ng dating lider, nahihirapan pa rin umano itong kumain o uminom, dahil natatakot na baka mabulunan. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News

*****
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s