Panganib ang Social Media/Internet sa Mamamayan ng Pilipinas

# Paalam sa inyo, sapagkat ayaw
ko na makulong dahil sa inyo #
*****

Kamakailan lamang ang Internet, social media ay panganib na sa mga gumagamit nito na kinahiligan na ng mga tao at naging libangan. Ang internet, social media ay isang paraan din ng mga Pilipino para makapagpahayag ng kanilang saloobin sa Pamahalaan. Dahil sa social media ay naiilabas ng mamamayan ang kanilang pagpuna at pagtangap sa mga polisiya ng Gobyerno. Ito ang hinadlangan pinagtibay na Republic Act No. 10175.

Image copied from Diversity Human.Com





Ang kontrobersya usaping ito social media, internet ay nagsimula sa isang previlage speech ni senator Tito Sotto na kungsaan di umano ay nag plagaarism o ang bahagi ng kanyang talumpati ay kinopya sa isang Blog, pinag-usapan at humaba ang usapin sa kontrobirsiya at humantong sa panawagan ng pagbibitiw kay Senator Sotto III.

Hindi matangap ni Senator Sotto ang plagiarim na sa kanya ay ipinaratang, pilit na ipinagtatanggol ang kanyang nagawa. Ito na yata ang natural na kaugalian ng isang Politiko sapagkat sa kanyang sariling kaisipan hindi siya (sinumang politiko) maaaring magkamali. Kaya ang pamahalaan ay hindi na umahon tungo sa pag-unlad sapagkat ang tagapamuno ay hindi marunong tumangap na sila man ay maaaring magkamali, tulad din ng pangkaraniwang tao.

Ang usapin ng Plagiarism ay unti-uting lumipas at napalitan ng usapin na may kaugnayan padin sa Ineternet, social media ang Cybercrime Prevention Act of 2012″. Ang plagiarism na usapin na kinasangkutan ni Senator Sotto III ay biglang nawala sa usapan  at ang naging usapin ay ang Cybercrime Prevention Act of 2012 na ang kasangkot ay mismong si Senator Tito Sotto, sapagkat siya (Tito Sotto III)ang nagsingit ng probisyon sa nasabing batas.

Sapagkat, ang usapin ay may kaugnayan sa social media, internet, computer sa huling bahagi ng proseso sa pagsasabatas ay ginawa ni Senator na mag CUT AND PASTE na pangkaraniwang ginagawa sa social media, internet at/o computer. Ang ganitong estilo ng pagsasabatas ay nakakatakot dahil kung naisin ng  mga mangbabatas na singitan ang isang batas na papabot kung kanino man ay isang pagsalaula sa prosepo at nawawalan ng saysay ang buong diwa ng pagiging mambabatas.

Hindi lamang ito pagkukulang ni Senator Sotto III, may pananagutan din ang iba pang mga senador sapagkat hinayaan na lumusok ang probisyon na isiningit ni Senator Sotto. “Escudero, who chairs the committee on justice and human rights, said it was a “personal oversight” that the clause including libel among the crimes punishable under the new law was inserted in the committee report when the Senate voted for its passage.”

Ang hakbanging ito ni Senator Sotto ay maaaring paghihigante niya laban sa Netizens dahil sa kanyang sinapit sa usapin ng Plagiarism. Subali’t sa Netizens ay hindi nagtapos ang usapin sa plagiarism, ang Cybercrime law ay karugtong lamang ng usapin sa RH Bill, Plagiarism na ang Netizens ay patuloy na ginagamit ang social media/Internet para hadlangan ang lahat ng ito.  

At maaaring ang mga protesta laban sa Cybercrime Law ay hindi na lahat Cyber Space kundi dalhin ito sa lansangan kasama ang mga legal (SC gets 5th plea vs Cybercrime Actna pamamaraan ng pagtotol. Click to read the copy of Cybercrime Law

Cyber Protest Against Cyber Martial Law
*****
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s