***** 

Sino ang Employer ng mga nagtatrabaho sa Gobyerno? Or Sino ang Employer ni Mayor Del De Guzman? Hindi baga ang employer ng nasa Gobyerno ay ang taongbayan, sa pamamagitan ng appointment sa pamamaraang Election.

Sa buong diwa at kahulugan ng Gobyerno ay estrakturang pang-organisasyon ng Bansa hangang Lunsod na kung saan ang mga manggagawa nito ay bunga ng Appointment sa pamamagitan ng Election. May mga tao sa pamahalaan na madalas kung magsalita ay parang pag-aari nila ang Gobyerno. May mga personahe at empleyado ng Gobyerno na parang sila ang nagmamay-ari ng mga pasilidad ng pamahalaan.

Paki-unawa nalang po ang mga katagang ito.

“GOVERNMENT OF THE PEOPLE, BY THE PEOPLE, FOR THE PEOPLE” 

—————————————————————————————-
Kailan kaya ako makakakita ng mga tarpaulin na ang makasulat ay ganito;

“ANG PROYEKTONG ITO AY SA PAMAMAGITAN NG BUWIS NG TAONGBAYAN NA PINAMAHALAAN NG GOBYERNO”  

Sa akin pagkakaunawa may dalawang karatola ang dapat nakikita sa isang proyekto ng Pamahalan. Ang karaatola ay magmumula sa COA, DPWH, Etc. na ang nakalagay ay ang total project cost, saan galing Pondo, sino ang contructor, kalian ang simula at kailan matatapos.

Wala akong matandaan na kailangan ilagay ang Mukha ng sinumang Politko sa karatola.

Sa Marikina, kadalas ang aking nakikita ay ang karatola na may mukha ng politico at nawawala ang dalawang aking nabangit. Wala na kayang pag-asa?
—————————————————————————————-
Marikina Value to its worst:

“Gumawa ng mabuti at tama, maraming magagalit. Gumawa ng mali at hindi mabuti, maraming matutuwa”

***** 
Advertisements